New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 39
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #1
    bakit pa nila kailangan maningil ng P30 sa arrival area??? para lang makapasok ka doon sa may gate? diba dapat libra na yun dahil nagbayad ka na ng parking....paano mo matatawag yun mga inintay mo eh nakaharang yun gate ang yun mga to doon sa arrival area unless mag bayad ka nga, saka bakit pag galing ka sa paraÑaque ang layo ng iikutan mo para langmakapasok sa parking area sa arrival? sa may centennila ka pa pwede mag u turn?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #2
    Sinarado na ba nila ulit yung daan coming from Paranaque side? Dati pa open & close yung daan dun. Baka kailangan nila ng extra fund para sa damages nung masira yung mga bintana sa control tower?

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #3
    ibig sabihin yata ni shadow, yung waiting lounge sa harap ng arrival area (yung may jollibee sa second floor). pangmaintenance daw(?), ang dumi ng mga comfort rooms naman. raket ng naia yan tulad ng mga pushcarts din dun sa airport. meron pa nga silang terminal fee (P500 yata yun) kung ikaw naman ang pasahero ng eroplano.
    kawawa talaga tayo dito. dapat sa tax na nila kunin yun, kasama naman talaga sa yearly budget yung maintenance at security.

  4. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #4
    yung terminal fee...kahit saan bansa..meron din yan (HK ata pinakamura?)...yung carts..libre na ngayon at dapat lang naman.(nakakahiya Pinas)lalo na sa mga tourist (pag dampot sa cart..sisingilin pa ng $1 or P50)..sa ibang bansa libre!!!..kasama na dun sa terminal fee yun.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,639
    #5
    pagkakaalam ko ginawa na uling libre ni GMA yung mga push cart...

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #6
    kala ko naman tayo ang makikinabang dun sa title ng thread.

    wrong mistake ako ah.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #7
    Originally posted by zero
    ibig sabihin yata ni shadow, yung waiting lounge sa harap ng arrival area (yung may jollibee sa second floor). pangmaintenance daw(?), ang dumi ng mga comfort rooms naman...
    Waiting area na may bayad, tagal na may bayad ito di ba?

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    590
    #8
    okay narin may bayad kasi kung wala mahirap lalo. ang ginagawa namin isa lang ang nagaabang don sa may bayad. tayo kasing mga pinoy isa lang ang susunduin buong barangay ang susundo ang sasalubong kaya dapat talaga ganon. sa ibang bansa walang bayad kasi konti lang ang sumusundo minsan nga wala. tayo kasi nakaugalian na natin ang ganyan dapat magbago na para d mahirap sumundo pwede naman 2 lang sumundo hintayin nalang sa bahay.

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #9
    terminal fee kahit saan meron. sa ibang countries lang nga, naka-built in na sa price ng ticket ang terminal fee, gaya sa singapore. in fact, kung ang flights mo ay may mga stop-overs, bawat stop-over na airport may terminal fee, BUILT-IN na sa ticket. next time tignan nyo yung air ticket nyo, dami dun nakalagay na tax. AIRPOT TAX kasi tawag dun sa sinasabing terminal fee. mura pa nga yung US$10/P550 na airport tax na yan eh, sa Jakarta Rp100,000/US$12.50/PhilPeso700 ang airport tax.

    btw, sa LA arrival may bayad ang cart, hulog ka ng 1 dollar dun sa machine bago mag-release ng cart yung machine.

  10. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #10
    di ba pagsoli mo ng cart or balik mo yung lock, babalik yung coin?.

    ganun sa mga supermarket sa ibang bansa...para obliga mong isoli yung cart,,para balik yung coin.

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #11
    sa Incheon international airport(Seoul). $15 ang equivalent ng airport tax(kasama na din sa ticket), pero sulit, ang linis ng facilities, may mga free use pa ng computers with dsl lines bukod sa super laking mga flat screenTV sa mga waiting areas, wala ding bayad ang mga carts. Ayaw ko diyan sa atin, pahuhubadin ka ng sapatos , tapos wala man lang tsinelas na ipapagamit sa iyo, sa Incheon meron ipapagamit sa iyo, kaya di ka maasar,
    Last edited by totoybato; March 11th, 2004 at 10:02 PM.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #12
    oo nga, dapat baguhin na ang ugaling buong angkan at barangay ang sumusundo at naghahatid sa airport. sa ibang airports, hanggang sa loob ng terminal (but before the customs area) pwede pumasok kahit hindi pasahero. dito pasahero lang pwedeng pumasok. e kasi nga kapag kahit sino pwedeng pumasok, magmumukhang palengke ang airport sa dami ng mga naghahatid sundo.
    Signature

  13. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #13
    kung open ang airport buti kung mga maghahatid lang ang papasok dyan.

    balooot! mani-mani kayo dyan pop corn! ale, ale bili na kayo ng pasalubong mura lang masarap!

    langya magiging parang station ng provincial bus yan!

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #14
    saka sa loob mismo ng airport. daming mga tao na hindi naman pasahero, pansinin ninyo,

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #15
    yan yung mga kamaganak ng mga matataas na position sa NAIA na binigyan ng trabaho sa loob kahit hindi kailangan.
    Signature

  16. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    6,753
    #16
    pag labas mo nga hihingan ka pa ng suhol....

    customs daw na ewan...

  17. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #17
    wala naman nanghihingi pards, tagal ko na every month dumadaan dyan sa naia wala na mulcters dyan, kahit sa customs area.

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #18
    yebo, meron pa rin nanghihingi. after the customs inspection. nakita kasi nung isa pang customs officer na hindi kami na tax kahit madami kaming baggage, bumulong sa akin, bakit sila lang (the customs officer who inspected our baggage) daw ang binibigyan namin, pano naman daw sya. e hindi naman namin binigyan ng lagay yung nag inspect e. pinabayaan lang namin, diretso lang kaming lumabas.
    Signature

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    729
    #19
    in fairness sa mga taga custom, di naman ako nahingan kahit minsan, medyo madalas din akong mag biyahe, kung minsan kasi, yung mga kababayan natin ang nag iinitiate na maglagay eh,

  20. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,327
    #20
    Bihira sa mga customs ang hindi nanghihingi. Yan eh kung meron kang "taxable" items na dala. Di ka din naman hihingan ng mga yun kung wala kang dala di ba? Lahat ng arrival baggage dinadaan sa x-ray at minamarkahan nila pag merong silang nakita, minsan paglabas nung baggage mo sa carousel meron ng kasamang pulis yun at susundan ang dala mo hanggang sa customs area at dun na sila manghihingi sa yo. Dati nga ultimo curtain rod eh gusto akong itax? Minsan kaya naman ang mga pasahero na din ang nag-iinitiate ng lagay eh dahil na din sa abalang ibibigay nila sa yo.

    Pansinin nyo mga custom or immigration officer, tingnan nyo mga relo nyan at karamihan sa mga yan ay naka rolex tsaka nagkikislapang alahas.

Page 1 of 2 12 LastLast
money making scheme sa airport???