Mods, pakilipat na lang kung mali ang pinaglagyan ko ng post
To all Tsikoteers na expert sa Real Estate, paki comment naman sa mga tanong ko.
Last week umuwi kami ng province, dahil sa Land Donation para sa wife ko. May tiyahin siya na old maid, at gustong ipamana yung residential lot (with house) sa kanilang magkakapatid. Hindi naman malaki ang area (approx 600sqm, nasa subdivision ang location) Ito yung mga ginawa na so far.
1. Nag execute ng Deed of Donation, naka notarized na sa lawyer
2. Pina compute yung land taxes (2002 pa kasi yung last na payment nila)
Questions
1. May time limit ba para maitransfer yung Land Title mula sa pangalan ng Tiyahin lipat sa pangalan ng magkakapatid? May nabasa ako somewhere na may multa pag di agad naipa transfer ang Title after mag execute ng Deed of Donation. Can someone help clarify.
2. Aside from the land tax na dapat bayaran muna bago magpatransfer ng title, ano pa ang kailangan bayaran?
3. Anything else that needs to be done?
Thanks in advance




Reply With Quote
