mga sir,gusto ko lng po sanang malaman kung ok pa ba ang FX na pagkakitaan? magkano po ba ang posibling kikitain sa isang araw pag ipapalabas lng? thank you po.
mga sir,gusto ko lng po sanang malaman kung ok pa ba ang FX na pagkakitaan? magkano po ba ang posibling kikitain sa isang araw pag ipapalabas lng? thank you po.
afaik, overhaul po nito every 6 months (yung 2C na tamaraw fx ha, ayon sa mekaniko dati).
Kung colurum kaw, wag na lang. Takaw huli. Let's say na P 50 ang fare mo per passenger x 10 passengers = P 500. Usually, kung te-terminal ka eh may butaw yun (normally mga P 30) so P 470 ka per trip. Kung makaka 4 trips ka per day, that's P 1,880 per day. According to the colorum and legit FX/garage van drivers I know, ang tubos ngayon sa impounded na colorum vehicles eh P 6,000. Kung idadaan sa "mabuting usapan" with the "authorities", P 3,500 ang hinihingi ng mga yan kung ayaw mong ma-impound ang sasakyan mo.
Pero nasasa-iyo na yan. Marami akong kilalang legit at colorum drivers na nagsasabi na so far, okay naman kita nila kase marami sa kanila bumabawi sa arkila.
Kung ikaw maglalabas – malaki ang kikitain lalo’t masipag ka. Pero kung iba ang maglalabas, sigurado harurot ang abutin n’yan para kumita siya ng todo. Pero ang boundary na para sa ‘yo ay fixed lang. Doon mo pa kukunin lahat ng gastos para sa maintenance, annual reg. etc. In short kung ipalalabas mo lang, wag na. IMO.
Kung makakatapat ka ng driver na balasubas, laspag ang FX mo. Di tatagal ang sasakyan. Yung brother ko ganyan. May 2 units siya dati. Since naga-abroad, misis lang niya, namamahala. Nakatapat sila ng mga drivers na "mabait pag kausap mo" pero kung nasa kalsada na, walang ingat sa vehicle. Eventually after 2 yrs, laspag na yung mga FX niya, nauwi sa bentahan na bagsak presyo.