Grabe naman talaga. Bagsak ang Napocor, ite-take over daw ng gobyerno yung P500 Billion na utang nila. In other words, tayo ang babayad ng utang na iyan. Multi-billion daw ang scam sa Napocor, nakawan hangang lumubog ang companya pagtapos tumakas na silang lahat, alam nila sasaluhin ng gobyerno.
Where is patriotism in this country? Alam mo, hindi lang Napocor ang ganito.
Ah ayoko na magsalita about patriotism dito sa Pinas..Marami na namang magagalit.
Corruption dito sa Pinas di na pinapansin..siguro dahil Panahon pa ng mga Kastila wala nang magawa ang mga Pilipino tungkol dito kaya ngayon immune na tayo lahat.. Hindi tayo aangal hanggat di tayo naapektuhan directly.
tama ka kiper. hindi ka magre-react hanggat hindi ka naaapektuhan. eh ang tanong sino ba affected dito sa pagbagsak ng bansa? syempre yung mga mahihirap, yung society class C & D. Sa totoong buhay kasi di naman directly affected yung may may kaya sa buhay eh (society A, B & C). Ngayon, kaya ba ni Juan Dela Cruz ang umangal? Kung kaya nya, may makikinig ba sa kanya?