sa kalsada lang po kasi ako nagpapark dito sa may bandang pinyahan, teachers, up village. ang nangyari na po sa akin ay:
-binuksan ng masasamang elemento ang aking pick-up. buti walang natangay.
-tinanggal yung side mirrors ko (yung salamin lang).
ano po ang mga security devices na kailangan ko? meron na akong:
-steering wheel lock
-brake lock (yung nakakabit sa steering wheel, pero sa clutch ko nilalagay)
-bike lock para sa spare tire
-alarm na may disabler (disabler ba tawag dun)
balak kong bumili ng cover ng plaka tsaka yung takip daw ng side mirrors. meron ba nung takip ng side mirrors, tsaka saan nakakabili nun?
bukod sa mga nabanggit ano pa po ang kailangan (aside from own parking slot, gate, at guard hehe)?
pakidelete o move na lang po nito pag may similar topic na, medyo mabagal internet namin, di ako makasearch ng matino. salamat po