Eto po mga sir ang problema, lately, napapansin ko pag tumapak ako sa break pedal yun secondary headlight (yun maliit na bulb bukod pa sa main headlight) pati yun gauges sa dashboard ay umiilaw. Usually dapat ang stop light sa likod ang iilaw lamang pag nag break.
Ano sa tingin nyo mga ka-tsikoteer. Tiningnan ko yun mga wires sa hood baka meron grounded pero muka wala naman. Atsaka last 2 days ko lan napansin ito during 3yrs na gamit ko yun sasakyan. By the way revo2003 yun gamit ko. Balak ko dalhin sana sa isang mekaniko kaso wala ako kilala na mapagkakatiwalaan baka tagain pa ako sa presyo (lalo na sa kasa).
Any suggestion o troubleshooting idea bago ko dalhin sa isang repair shop (hehehe onti lan kasi alam ko sa kotse pero sa pc oks ako).
Thanks! and more power to tsikot.


Reply With Quote

