
Originally Posted by
snk
Good pm po.
Ask ko po sana sa mga forumers dito kasi yung barkada ko po naka-motor kasama girlfriend nya. Eh pagdaan niya sa bandang Shaw, hindi naman po mabilis ang takbo niya raw, yung FX na nasa tabi at nagbaba ng pasahero, biglang bumukas yung pinto sa wrong side (nasa kanan ang shoulder). Yung pasahero kasing bababa sa kaliwa bumaba instead sa kanan. Ayun nadali yung motor ng friend ko, bagsak sila nung kasama nya. May helmet pareho, kaso tumilapon kasi na-out of balance. May mga galos tsaka nabasag side mirror, pati motor me mga nasira.
Yung LTO TPL lang ang insurance nung friend ko. Pano po ba ang pag-claim ng bodily injury pati ata property damage kasi may mga sira yung motor?