
Originally Posted by
derf8666
FYI, premium on motor cars is indeed based on the type of unit. Pinakamura ay ang mga SUV (CRV, RAV4, Crosswinds, etc..) , mas mataas ang mga kotse (civic, city, altis, etc..) then mga pick up na 4 wheeler. Mas mataas pa at kadalasan ay di na tinatanggap ang mga 6 wheelers, and finally mga 10-wheeler truck, sobrang mahal ang premium if ever na may tumanggap man. Premium is a big concern for clients, but it should not be the only concern. Dapat i-consider din yung stability ng company at kung sino yung humahawak na ahente. Eto yung example:
Case 1: Premium 20k - Good service sa policy issuance (pagbayad, pagdeliver ng mga policy). Claims payment on time and fair.
Case 2: Premium 15k lang - ikaw mismo ang pipick up ng policy. ikaw ang magreremit ng payment sa company. Pagdating ng claim, katakot takot na follow up ang kailangan mo pang gawin, at minsan idedeny pa yung claim mo sa kung anumang mababaw na dahilan.
San ka na? Remember, insurance is a contract based on trust. Madaling magcharge ng mababang premium para makuha lang ang negosyo, pero kung hindi ka naman pala babayaran pagdating ng claim, e ano pang silbi ng insurance mo?