
Originally Posted by
glenn_duke
Naka experience na ako ng total loss, sa Charter Ping An insurance, pag umabot na ng 75% ng insured value yung repair estimate, pwede ng ipa total loss, kasi may possibility na may sira pa na hindi nakita sa estimate. 3 months after the release of the final repair estimate saka ako nabayaran, nagtagal dun sa adjuster at sa casa kung i total loss o repairable pa. In my case wrecked yung engine bay, hindi na umaandar yung makina. In total, 6 months from day of accident ang tinagal bago ako nabayaran. Ang binayad sa akin ay yung insured amount na nasa policy dineduct yung participation at depreciation, prorated sa months from issuance ng policy.
May Malayan Insurance din ako sa isa kong sasakyan, nag file ako ng own damage claim last May, hanggang ngayon wala pang feedback, second parang limited yung casa na accredited ang Malayan.
Sa itsura ng Fortuner mo, mukhang na idrive mopa pauwi, baka mahirapan kang ipa total loss kung walang major damage ang engine, kausapin mo lang yung adjuster.