
Originally Posted by
Mentos
So ang pwede lang pala paggamitan ng TPL insurance ay tao na walang sasakyan na nainvolve sa vehicular accident at hindi ang car at mismong driver?
Ganun na nga nangyari mga sir, nabangga ng motorsiklo ang kotse ng misis ko, bale ang front bumper ang may malaking dent, nung una kasi kinakatwiran ng driver ng motorsiklo na insurance na lang daw ang bahala pero hindi nga pumayag ang misis ko (which I insist talaga rin) dahil nga pagkakaalam ko matagal pang proseso yun. So nag usap na lang na ipapaayus sa shop ang kaso pagdating ng usapang araw hindi dumating ang driver at nag text asawa nya na naghahagilap pa raw ng pera and then later on hindi na nga makontak ang phone number na binigay. May police report sila, actually ang motor nung bumangga ay naka-hold pa sa presinto sabi ng imbestigador hindi raw nila ire-release yun hanggang walang patunay na naayus na nga ang car ng misis ko at nung estudyanteng nahagip din nya (nag-counter flow kasi ng overtake hindi napansin may palutang na estudyante) bago pa sila pumailalim sa harapan ng sasakyan (naka-hinto ang car dahil nga traffic)
Naiinis misis ko dahil nga ang panget tingnan nung dent sa bumper nya, at gusto nya na lang gastusan. At kaya ako nagtatanung nga sa TPL insurance baka may way na masingil/refund namin ang magagastus at if ever bigla nga ulit lumitaw yung driver at iinsist na insurance na lang ang bahala, kaninong insurance ang gagamitin at sinu maglalakad. Eh kaso nga sabi nyu para lang sa taong maaksidente yun at hindi sa vehicle. Any advice sa mga experienced na dyan?
(sorry for the long explanation)