
Originally Posted by
glenn_duke
Parehas tayo ng case. Na auto insured din sa Charter Ping-an yung sasakyan kinuha ko thru PS Bank. Pero sa akin yung second year insurance ko na Prudential din ay pinadala sa PS Bank yung kopya ng policy kaya hindi na auto insured. Pero sa third year, nakalimutan kong i-renew sa Prudential dahil nasa abroad na kami nakatira. Kaya na auto-insured sa Charter Ping-an. Nung umuwi ako at pinuntahan ko yung PS BAnk, hinanap ko yung policy ng Charter Ping-an for the unpaid insurance, wala daw binibigay na policy yung Charter Ping-an hanggat hindi fully paid. So pinuntahan ko yung isang satellite office ng Charter Ping-an, and totoo nga hindi sila naglalabas ng policy hanggat hindi fully paid. But when they checked sa computer database nila, andun nga yung insurance policy ng sasakyan ko, pero hindi ma-issue dahil hindi bayad. Paperless daw sila, yun ang sabi sa akin ng ahente nila.
Wala kang magagawa diyan, kailangan bayaran mo yan para makuha mo yung ORCR mo. Ganun ginawa ko, binayaran ko, kasi naipasok na sa database ng computer nila. Pinakiusapan panga sila nung taga PS Bank na bawasan yung premium at hindi naman nagamit, pero hindi pumayag.
Medyo mas maayos sa ganyan ang BPI/MS, nagpapadala sila ng propose policy and then pag nag lapse yung insurance mo, auto insure kadin sa BPI/MS pero papadalhan ka ng kopya ng policy kahit hindi pa bayad.