haha. naalala ko yan nung 8 pesos pa per liter ang price ng super shell nun. yan kasi pinapakarga ko dati sa vw beetle ko eh.
naalala ko pa rin nun na yung 8 pesos per liter na yun, 100 pesos lang ang kailangan ko, balikan na ako from my place in alabang to my ex-gf's (now my wife's) place in diliman.
ngayon, 100 lang, kulang pang balikan from las pinas to makati.
P4.50 ang naaalala kong price per liter ng diesel dati, nung elementary ako. di ko alam price ng gasoline during that time, wala kasi kaming gas engined na sasakyan dati.
una ko ng gamit e diesel na FX. 6.00 PHP ata per liter. ang sarap pumasok sa makati. Sarap nun, tuwing daan sa gasolinahan, full tank boss. 200++ lang full tank nun. Ngayon, langya kulang limang daan.
noong nag start ako matuto na mag drive 18.40 per liter ang unleaded sa Flying V. ang huli kong pa-gas nung Wed at mga 3 times before that, laging 21 pesos per liter ang Petron XCS.
since nagtaas na naman starting yesterday ang gas, next week papakarga ulit ako full tank pero unleaded nalang.