Sa harap ng record-high na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan at sa napipintong oil crisis, inirekomenda ng Department of Energy (DOE) ang pagkontrol sa pagbebenta ng gas sa pamamagitan ng bawas oras sa operasyon ng mga gas stations.
Bukod dito, isinusulong din ng ahensiya ang paglilimita sa speed limits ng mga motorista sa mga expressways at national highways gayundin ang paggamit ng coco bio-diesel para makatipid sa langis.
Ayon kay Energy Undersecretary Peter Anthony Abaya dapat na maging maingat sa paggamit ng langis dala na rin ng pangamba na magkaroon ng shortage ng supply nito na makakaapekto nang malaki sa ekonomiya.
Base sa rekomendasyon, ang Philippine National Construction Corporation (PNCC) na nangangasiwa sa operasyon ng mga national expressways at ang Traffic Management Group ang magpapatupad ng 80 kilometer per hour na speed limit kung saan ito umano ang siyang pinaka-fuel efficient na bilis.
Samantala ang mga oil companies naman ay magkakaroon ng pagbabawas sa oras ng operasyon na sa halip na 24 hours ay gagawing alas-kuwatro ng madaling-araw hanggang alas-12:00 ng madaling-araw maliban lamang sa mga gasoline stations na nasa mga major thoroughfares.
Ipinaliwanag ni Abaya na ang pagtitipid ay kanilang itinututok sa transport sector dahil ito ang siyang may pinakamalaking kinukonsumo na aabot sa 58% ng kabuuang inaangkat na langis ng bansa.
Ang pagsusulong sa paggamit ng coco diesel ay inirerekomenda rin ng DoE kung saan hinikayat nito ang malalaking kumpanya ng langis na Shell, Caltex at Petron na magtayo ng sariling stations na nagbebenta ng coco biodiesel.
UMANGAL
Agad namang inisnab ng transport group ang rekomendasyon ng DoE, sinabi ni Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) spokesperson George San Mateo na wala namang matitipid kung isasara ng mas maaga ang mga gasoline stations bagkus lalabas na perwisyo pa ito sa mga motorista kung sa dis-oras ng gabi ay walang mapagkakargahan ng gas.
Kaugnay nito, sinabi ni Toll Regulatory Board Chairman Julius Caesar na marami pa nga ang umaapelang motorista na taasan pa ang speed limit lalo na sa NLEX kung kaya’t marami ang inaasahang kokontra sa panukalang ilimita sa 80 mph ang speed limit.
PABOR KAMI
Sinabi ni Independent Philippine Petroleum Companies Association (IPPCA) President Fernando Martinez na makatitipid sila sa limitadong operasyon ng kanilang mga gas stations subalit dapat umanong pag-aralan ng mabuti dahil limitado lamang din ang matitipid sa ganitong sistema.
Samantala, sinabi kahapon ni Pangulong Arroyo na makabubuting tanggapin na lamang ng taumbayan ang hindi makontrol na pagtaas ng presyo ng langis sa world market. Aminado ang Pangulo na may kinakaharap na krisis ngayon ang mundo kabilang ang Pilipinas ukol sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo ngunit ito aniya ay isang paghamon sa ‘economic survival’.
Welga naman ang nakikitang sagot ng Kilusang Mayo Uno at transport groups sa nakaambang sobrang pagtaas ng presyo ng gasoline at petroleum products
--------------------------*****************--------------------------
sigurado madami tsikoteer ang kokontra dito




Reply With Quote
buti na lang at wala na masyadong nag dradrag sa libis, napunta naman sa Macapagal mga bwisit! ang iingay
anyway, nasa driving habits naman yng difference sa consumption ng gas at wla sa laki ng engine. May difference din but kng gago yng nagmamaneho ng isang 4cyl. engine na car ay pwde syang magconsume ng mas maraming gas compare with the one driving a v8 na marunong tlga magmaneho. ksi kapag ang v8 konting apak lng lalakad na, yng ibang 4 cyl. lakas apak bago lakad. hahaha
