
Originally Posted by
Jeff Esloyo
Mga sir. ano kaya ang magandang piliin dito sa tatlo? yung gusto ko sana syempre matipid sa gas, maganda ang performance, medyo malaki tingnan ang loob at elegante tingnan, at may magandang mga after sales.
yung vios 1.5 G A/T gusto ko sana kaya lang parang na didismaya ako sa interior hindi ko alam kung bakit siguro dahil sa HU unit at dashboard.
yung elantra 1.6 L GL A/T ok din parang mid size sedan or sa paningin ko lang na medyo malaki siya. pero ang interior ok sakin.
yung fiesta 1.6L Sport 6PS hatchback hindi ko din alam kung bakit ko siya kinukumpara sa mga sedan. pero mukang sporty look talaga ang fiesta kaya lang medyo na iisip ko mukang mahal ang mga after sales ng ford. hindi din masyado malaki ang loob ng fiesta pero mukang ok naman ang performance nito.
madalas na magiging pasahero ko mga 3-4 person, city driving madalas sa bacoor ma traffic kaya gusto ko ng a/t. madalas din ako sa batangas.
kaya mga sir sana matulungan niyo ako sa pag pili. maraming salamat po