hello mga sir plano ko bumili ng secondhand sasakyan na super tipid sa maintenance na pang araw araw hatid sundo sa anak kung high school at nursery mga 3km away school nila sa bahay namin.
budget 120 thousand only.
choices for the moment:
1. owner type jeep
- meron binebenta sa akin kaibigan ko na mekaniko na owner, wrangler type jeep willys ang tatak medyo bulok na makina binebenta niya sa akin 20 thousand, plano ko palitan ng diesel engine like 4d56 o kaya yung makina ng hyundai grace kc meron na ako ganun unit at satisfied naman ako sa performance niya at consumo sa fuel siguro kung ilagay ko sa mas maliit na owner mas titipid pa consumo. balak ko rin gawin close yung owner at palagyan ng aircon ayon sa mekaniko swak naman budget ko hanggang sa repaint change engine sa LTO may matitira pa daw.
2. may nakita rin ako toyota corolla model 89 at 90, price 80 thousand pesos gumagana lahat makina hanggang aircon pero may mga ayusin na konti gaya ng pag recondition sa makina at palit iba worn-out parts swak din budget ko kaya lang di na aabot hanggang sa repaint pero ok pa naman kung ito piliin ko mga after one year saka ako magpa repaint.
problema ko lang dito kasi gasolina as of now yung presyo ng unleaded nasa 46 baka tataas pa kaya advantage pa rin diesel.
3. multicab suzuki pwede ko makuha sa installment kasi kung brand new kulang sa budget. problema nito gaya sa pangalawang choice gasolina din at wala pa aircon.
ano kaya sa palagay niyo? ok lang ba yung 1st choice ko na recondition ko nalang yung owner type jeep?