New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 20 of 21
  1. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    5
    #1
    mga kabayan magandang umaga, hapon o gabi sa inyo, bago lang po ako d2 sa tsikot and find out na very helpful ang mga tao d2, sana po hingi lang ako ng advise kung ano ang magandang pang hanapbuhay dyan sa atin Jeepney or Van po?, kasi i value my money na sana hindi na ko babalik d2 sa saudi hirap po kasi d2, want to spend time nman po sana sa family kaso hindi nman po kalakihan ang maiiuwi kong pera tama lang po pang second hand, mga hanggang 250T lang po, pahabol na tanong po, kung sakaling Van anong klase po kasi wla akong alam sa sasakyan when it comes to durability ska kung ano po ang matipid sa gasolina, pasensia na po sa madami kong tanong, paunang pasasalamat mga kabayan!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #2
    van...mas malaki kita, pang service.

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,773
    #3
    sa tingin ko mas ok yung van or auv/L300FB for shuttle service. ito'y kung ang pakay mo e yung sasakyan mismo ang panghanap buhay (hindi panghakot or deliver). for example, yung san mateo-makati na byahe, 55/pax x 14 pax/trip, lalabas 715 (less 1 pax for the contri sa coop) per trip. make it 4 trips per day (2 sa umaga, 2 sa gabi), makaka 2,860 gross per weekday. on weekends, pwende mong ipa-van for rent para sa mga mag-outing or lipat-bahay (sa mga kaunti ang gamit). so mas flexible to kesa jeepney. IMO. good luck!

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    11,352
    #4
    van ako. besides the mentioned reasons, it's safer than a jeepney too.

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #5
    i vote for the van lalu na kung brand new.
    i heard malakas ang van-for-hire sa mga tv stations.
    P30k+ a month daw para sa mga location shootings.

    goodluck po.

  6. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    4,631
    #6
    Van syempre.

    Meron na ngang airconditioned jeepneys dito eh, so its a sign that people prefer to be shuttled in comfort.

  7. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #7
    Saan nyo po ipapasada? Baka kasi ho sa bulubundukin na rough road nyo gamitin sigurado hindi kakayanin ng van.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #8
    Rent-a-van sir. Kahit hindi brand new.

    Mas kumportable at safe ka pa habang nagtatrabaho (assuming you will be the one driving).

    Mga diesel na Hyundai Grace ay magandang balance between budget and comfort. Licensed version siya ng L300 Exceed so yung parts halos lahat Mitsubishi.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  9. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #9
    Van, definitely. Best bet mo Kia Besta or Hyundai H100, andaming nagbebenta kasi ngayon ng Korean vehicles.

    Don't even think about acquiring a jeepney, given a choice, wala na atang sasakay dun ngayon

  10. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    5
    #10
    mga sir maraming salamat sa mga reply nyo, ngayon isa nlang ang iisipin ko VAN na lang, sa Sta Rosa Laguna po ako nakatira kung sakali d2 ko po ipapasada, pede pa po ba mag add ng tanong? samantalahin ko na po... kasi nalilito po talaga ako ang hirap kasi magdesisyon na kung hindi nako babalik ng saudi eh bka nman po bumigay ung segunda manong bibilin ko. Kung bago nman sasakyan po eh pede akong magsakripisyo ng isa pang kontrata para makatulong sa paghuhulog. kung sakali po ano po ang magandang kunin kong VAN? ang ibig ko pong sabihin ng maganda eh ung matipid po sa gas at matibay yung hindi nman po masakit sa bulsa pag nasira, maraming salamat po sa lahat

  11. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #11
    Kung tight po sa budget Hyundai H100/Grace po ang kunin nyo sa maintenace po mababa lang at maraming piyesa kasi parehong-pareho ang piyesa nito sa L300. Matibay din ang pang-ilalim nito. Pero kung kakasya ang budget mo sa Hi-ace, sa Hi-ace ang boto ko.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,819
    #12
    van. dami for sale na h100 sa mindanao avenue sa quezon city, nasa 220k-250k ang price depende sa year model. mas malaki kita sa van-for-hire kesa sa jeepney, di ka pa pagod. at di mo pa kelangan kumuha ng franchise sa lintek na ltfrb.

  13. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #13
    medyo OT:

    Jeepney or Van? Wala

    payong kapatid!, i-negosyo mo na lang..umuwi muna kayo at tignan mo kung ano ang pwedeng pagkakitaan sa lugar ninyo.(Sta.Rosa Laguna)..

    parang wala pa akong narinig na yumaman sa Jeep or Van? maybe last 10-15 yrs ago (di masyadong matraffic noon).

    share ko lang sa mga kababayan natin sa abroad...
    Business ko "pinoy grocery" sa abroad..lagi ko naririnig yung mga kababayan natin na "nakaipon na ako ng pambili ng Jeep,Tricycle or Fx".

    pag may nagtatanong sa akin ,eto lagi ang sagot ko.
    Kung 2nd hand ang bibilhin ninyo..bago mo mabawi yung puhunan..yung kinikita ninyo pang-araw-araw mapupunta lang sa repair..baket? alam naman natin na ang mga 2nd na sasakyan d2 sa atin panay laspag na.lalo na ang mga Jeep,Tricycle & FX..

    kung brand new naman ang bibilhin ninyo..downpayment ang kalahati..yung kalahati kukunin ninyo sa pag-papasada? bago ninyo mabuo yung bayad sa kalating utang ninyo..laspag na yung sasakyan..baket? sa sama ng kalye natin dito, takaw aksidente (dahil sa haba ng oras ninyo sa kalye at sa dami na walang disiplina na driver). mas malaki ang "risk" ninyo na maaksidente..keysa sa mga private vechicles..

    ang negosyo sugal yan..may panalo, may talo din..pero sa business, mas malaki ang chance na yumaman kayo. keysa mag-jeepney, or Van kayo..


  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #14
    OT din:

    San yung grocery mo sir hens. Para mapasyalan naman. hehehe.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  15. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #15
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    OT din:

    San yung grocery mo sir hens. Para mapasyalan naman. hehehe.
    Last, OT pa rin..

    bili ka muna ng plane ticket. .nasa abroad doc!

  16. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    2,202
    #16
    bertpia, btw bat naisipan ninyo pala bumili ng jeep/van? matraffic na rin sa sta rosa di ba?

    naalala ko pala, may kaibigan yung contractor namin dati sa bahay namin na tiga dyan sa sta rosa..may kaibigan siya na nag-open ng small time na sing-along bar (yung mga vcd's niya binili sa manila na puros pirated pa) pero, naka-pagpatayo pa ng bahay. (medyo bigtime din yung bahay ah)..malakas yung bar niya.
    Last edited by hens; August 31st, 2006 at 01:42 AM.

  17. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #17
    o kaya sir mag-internet cafe ka na lang. teka parang na-suggest ko na din ito sa isang thread ah.

  18. Join Date
    Aug 2006
    Posts
    5
    #18
    magandang umaga mga kabayan, salamat ulit sa mga reply nyo! nakakatuwa pala d2 marami kang matututunan nung una na reduce ang pagpipilian ko sa VAN na lang ngayn po eh may suhestyon na para sa business, tama nga po kaming mga OFW eh ang pag iisip eh ganun nlang pagkatapos makagawa ng maliit na bahay ay maliit na negosyo nman ang iisipin tulad nga po ng sinabi nyo na tricyle, Fx o jeep kasi yan lang po ang parang madali sa amin na ipundar na hindi tulad ng ibang negosyo na bukod sa malaki ang puhunan ay natatakot kami na baka malugi, na sinabi nyo nga po na parang sugal may panalo at talo yan po ang ikinatatakot namin ang matalo kasi pag natalo wala na kaming ikabubuhay, yan po ay sa amin lamang pong opinyon pag nakabili kami ng sasakyan eh andyan pa din ang sasakyan hindi mawawala, yan po halos ang pagkakaintindi naming mga OFW..... sensia npo parang telenobela... pero nagpapasamat po ako sa inyo sa inyong mga opinyon sa katunayan po eh maraming mga kasamahan ko ang nagaabang sa mga kasagutan ng forum na ito para maging guide namin sakaling kami ay umuwi na sa ating bayan

  19. Join Date
    Jul 2006
    Posts
    23
    #19
    Van Malaki Kita Pag Me Kumuha. Sometimes Daming Competition Already.

    Pag Jeep Naman Its A Necessity For People Kasi Dami Nagcocomute So Choose N Lng

  20. Join Date
    Mar 2005
    Posts
    8,837
    #20
    kung gusto nyo L300FB na lang, best of both worlds. jeepney seating arrangement, tapos van yun harapan

Page 1 of 2 12 LastLast
Jeepney or Van? pa advise nman po