Nung ginawa yung drainage dun sa may Langka St., Proj. 2, Q.C. ay inayos nga yung sidewalk yun nga lang may nakalagay na bilog na symbol na may mga letrang SB sa loob! Mukhang namumulitika na yata si Mayor Sonny Belmonte a?! 8O
Buwisit talaga itong mga pulitiko! Pati tuloy nilalakaran mo sa sidewalk ay may campaign ads na! :x
Tapos na yung sa may Langka St. pero kapag na-traffic ka dun makikita mo talaga yung SB na campaign ads ni Belmonte kasi pula pa yung kulay ng concrete sa sidewalk. :x
Kung papunta ka ng Ateneo via Xavierville Ave. medyo maghanda ka na sa heavy traffic sa may dulo nito kasi sinara na yung corner ng Xavieville at Katipunan. Hindi ka rin makaka-right dahil one way na rin. Kailangan mo talagang kumaliwa whether papunta ka ng Ateneo/UP or papunta ka ng Katipunan flyover! Buwisit talaga ang gumawa ng bagong traffic scheme dun sa lugar na iyon.