Mga Sir/Ma'am pwede po ba humingi ng opinion nyo regarding sa pag bili ng van.
Gusto po kasi ng mother ko na bumili ng van 150K ang budget para magamit ng pamilya minsan papuntang batangas or angeles pero usually manila lang.
Problem po wala po akong alam sa mga sasakyan and i'm sure palpak ang mangyayari pag hindi ako kumunsulta sa mga marurunong, computers po kasi ang linya ko. Zero knowledge po ako pag dating sa sasakyan.
May mga napagtanungan narin po ako before ang madalas recommendation is delica or lite ace. Sa maliit na budget 150K ano po ba ang marerecommend nyo sa akin, meron pa po bang ibang options?
suma total po:
Asker: 0 knowledge sa vehicles
Budget: 150K
Quality: SecondHand
Requirement: family van for private use, pwede ibyahe ng malayo. More efficient sa fuel mas ok po.
Thank you very much in advance po, i hope could return the favor someday..
God Bless Po.




Reply With Quote
