question on selling used car. Are sellers supposed to arrange transfer of ownership to buyers? di ba dapat buyer ang magasikaso nito?
bad trip kasi yung supposed buyer car ko e. gusto ba naman e ako maglakad ng transfer of ownership tapos kapag nasa pangalan na nya tsaka pa lang sya magbabayad. ano ko bale? e kung bigla nya ko ipitin pag nasa pangalan na nya, siempre wala na ko habol dun dahil sa kanya na ownership. nakakabadtrip talaga e. I didnt entertain other prospective buyers kasi nakipagcommit sya na bibilhin nya. I even had a deed of sale notarized na and police clearance for transfer of ownership, pati bagong tpl insurance in his name, tapos ganun.
Tell me mga pre. Mali ba ko na ireject yung transaction? or tama sya in requiring me to have it in his name na yung car before i sell it to him. according to him, advise daw sa kanya mahirap magdala ng sasakyan na hindi sa yo nakapangalan, baka daw magkakaso. Praning ka masyado sabi ko. sabi ko there's no such law preventing you to drive a vehicle not registered in your name. e complete naman yung papers ko with police clearance pa. di ba tama naman ako?
Dpende na kc sa usapan nyo.. Pero pangkaraniwan yung buyer na ang nagaasikaso nun..
==================
I even had a deed of sale notarized na and police clearance for transfer of ownership, pati bagong tpl insurance in his name(XTRA NA NGA YANG GINAWA MO YAN) ==============
Tama yun, lalo na kung kumpleto ang papel.
Just wana ask, nabenta mo na yung sa2kyan ngayon sa iba??
I guess masyado ngang praning yung buyer mo. Anim na beses na kami nagbenta ng sasakyan, ala namang buyer na nagrequire sa amin ng transfer of ownership bago ibenta. Deed of sale lang ang papeles ng transaction namin then sa susunod na registration ng sasakyan, yun lang ang ipapakita sa LTO tapos maililipat na sa pangalan nila.
hindi naman sya magkakakaso kung i-drive nya yung car na hindi naka transfer sa kanyang pangalan dahil meron naman syang dalang notarized deed of sale. praning nga sya.
Originally posted by bmdj Just wana ask, nabenta mo na yung sa2kyan ngayon sa iba??
Di ko pa nabebenta e, pero meron na rin interested, i have to recall pa all those who inquired b4. Pag naaalala ko parang gusto kong murahin yung tao na yun, pero di muna ngayon kasi i still have to get him to sign a waiver para ma nullify yung pinagawa kong deed of sale, although di ko sya binigyan ng kopya pero nakafile na sa notaryo at sa TMG for d clearance. Mahirap na baka magulangan ulit ako ng hayuf na yun. I'm really pissed off kapag naiisip ko wasted time, effort and money spent dealing with that guy. bahala na si batman sa kanya.. hehehe.
....praning siya at tamad! ako nagasikaso nung papel nung binili ko oto ko. in fact, when i took the car nasa pangalan pa ng seller yung CR, hawak ko lang nun notarized deed of sale.
okay lang kung may bayad ang paglakad ng papeles mo at kung ok kausap lalo na kung siksing chicks yan pwede na. pero yung ilipat mo na sa pangalan niya bago bayad baliw talaga siya ano siya sinisiswerte.
baka nagbago isip nung bibili, tipong me nakitang iba... kasi napaka nonsense nung mga hirit nya eh
diretsuhin mo "interesado ka pa ba sa oto ko?"
kamo karamihan na change of ownership sinasabay na sa next rehistro so natural lang na me nagdadala ng car ng hindi pa nakapangalan sa buyer (deed of sale lang)
Finally nabenta na din. Pero nakakalungkot lang, ganun pala yun. Lalo na as i watch as it drove away with his new owner, parang nag-flash lahat memorable moments spent with my old ride. Anyway, time to move on and start a new quest for my next ride.. pero next year pa siguro, ipon muna ulit...
Welcome pa ba dito kahit tsikotless na? hehehe..
Thanks nga pala sa mga feedbacks.
Ginago ka nyan.. sobrang praning yan.. alam ko mahirap mag ayos ng transfer pero hindi reason yon na delikado mag dala ng car na di sa kanya naka pangalan... paranoid yan...ganyang mga tao walang tiwala sa kapwa di mo rin dapat pag ka tiwalaan yan..
Originally posted by graphire Finally nabenta na din. Pero nakakalungkot lang, ganun pala yun. Lalo na as i watch as it drove away with his new owner, parang nag-flash lahat memorable moments spent with my old ride. Anyway, time to move on and start a new quest for my next ride.. pero next year pa siguro, ipon muna ulit...
Welcome pa ba dito kahit tsikotless na? hehehe..
Thanks nga pala sa mga feedbacks.
ser graphire, question lang po... bat nyo po binenta? since mawawalan kayo ng service?
just a thought...kasi balak ko din ibenta oto ko pero pag alis na ng gf ko... ok lang naman kasi s kin mag commute pag ako mag-isa bili na lang ulit pag bbalik na sya dito pinas.
Originally posted by baiskee ser graphire, question lang po... bat nyo po binenta? since mawawalan kayo ng service?
just a thought...kasi balak ko din ibenta oto ko pero pag alis na ng gf ko... ok lang naman kasi s kin mag commute pag ako mag-isa bili na lang ulit pag bbalik na sya dito pinas.
Ayoko nga sana i-dispose ride ko e, very reliable at alaga yung car na yun. Kaya lang gipit talaga e, pile-up utang ko tapos na confine pa baby ko.. ayun, no choice but to sell it. Naisip ko, i can still buy a newer one pag nakaipon ulit.
oks lang naman din kahit commute muna, since di naman malayo workplace ko from home... at least mejo makakatipid pa ko ng everyday allowance. Yun nga lang la na kami service car lalo na pag lakad ng pamilya, taxi na lang muna. Naaawa nga ko sa anak ko e, tanong ng tanong tungkol sa kotse namin, asan na daw... mahilig kasi sa kotse yun e.. pati mga toys nya mostly cars, kahit nga bibili lang kami sa store a few blocks gusto nya sasakay sa dun sa kotse... sabi ko na lang kinuha na ng mama at papalitan ng bago.
kakatawa nga e, im looking for an exact toy replica nung car (blue corolla ae92) para i can show him na eto pa rin car ng daddy nya, lumiit nga lang... hehehe.