I'm just curious, magakano kinikita ng mga buy and seller ng mga kotse? Sorry sa mga members na nagba-buy and sell .... kasi may tumatawad sa car ko super baba tapos nakikita ko sa mga dealers 200-300thousand ang patong doon sa twad sa akin, sa same model na kotse....grabe, naawa lang kasi ako sa sarili ko.....pag buyer ka naman papano mo sila tatawaran? how much ang tawad?
Maganda yung sinabi ni van sa other thread I'll copy and paste it here:
Van Wilder:
"usually hanggang 20-50thou ang tawad depende sa presyo ng auto. kung X5 na brand new na 6.5M eh kaya kahit 500thou... depende.. kung magaling ka rin sa tawaran at matagal na sa kanila yun, matataga mo na sila. kasi kami dati kung bentahan sa labas ng SIR eh 520, kukunin lang namin yan ng 450... tapos hihilamusan tapos asking namin ng 550 at tatawad yun for sure. para huli sa 520. kung eengot-engot huli sa 540-550... talagang tagaan yan ng presyo kung bibili... lalo na kung alam nila na rush at kailangan mo ng pera or sobrang hindi mo naman kailangan ng pera at ayaw lang maperwisyo... pero isipin mo na aayusin at hihilamusin pa auto mo. kung willing ka maghintay pwede naman na tanggihan mo yan. pero sinasabi ko sa iyo malaki tubo nila diyan... mahina ang 50thou. yun husband ng cousin ko sa 200thou may 40 siya eh, yun dad ko nga pati mga kaibigan niya 230 binebenta pero 150 lang kuha... pero binabayaran niya pa yun sa LTO, mga boys na naghihilamos at nagbabantay sa pwesto pati syempre renta... kung medyo mataas at hindi nila nakuha sa tawad nila malabong kunin nila yan, gusto kasi nila sagarin ka eh...
advise ko sa direct buyer mo na lang ibenta para hindi ka lugi... pero kung mahal din ang time mo, benta mo na..."
[B]
Follow up question lang, usually ba reliable yung mga cars na binebenta nila? especially mga 2000 above na cars? I'm thinking, malaking chance na reliable kasi kabuhayan din nila yan, they won't buy a "lemon" or sirain na car kasi di rin nila mabebenta? Tama ba?
Or basta kumita lang ng mabilis ayos na, maski palpak yung binibenta nilang car?
di rin eh. basta the best thing to do when shopping around for a 2nd hand car is to bring a mechanic along with you para may metikoloso na titingin sa auto na gusto mo ;)