
Originally Posted by
L1quid
Bakit naka future tense yung #2? Dapat meron ka na agad nyan pagkabili mo.
Anyway yung iba ginagawa, open deed of sale from 1st owner para less papers pagbinenta ulit, buy & sell ganito madalas gawa i think. Personally ayoko ng ganyan. Ingat rin when buying with open DOS, kasi lalabas dun from 1st owner ikaw agad bumili even if the car stayed sa 2nd owner for a while. Hirap kasi kung may kaso pala habang sa mga oras na yun. Baka ikaw pa maiipit.
Yes, pede mo benta yan ng di pa nakapangalan sayo sa rehistro basta meron ka nung papers transferring ownership to you. Like a deed of sale with your name on it. Bibigay mo sa 3rd owner yun tapos magkakaron ka naman ng panibagong deed of sale transferring ownership dun sa binentahan mo.
Edit: Kung sakalil ang naman magka aberya at hanapin ng pulis may ari, gagawin nila pupunta sila sa nakalagay sa rehistro (1st owner), tapos syempre papakita nya DOS nya sayo, then ikaw naman puntahan ng pulis, tapos ikaw papakita mo naman DOS mo papunta sa 3rd owner.
Funny pero nangyari yan sa ate ko eh, sya first owner tas nainvolve ata sa hit & run yung oto.
Sent from my POCOPHONE F1 using Tapatalk