magandang araw po!

meron kaming bibilhing 2nd hand car na naforeclose ng isang lending company. eto na ang papeles na nandito

-deed of sale with my name on it (hindi idolkositaba siyempre :D), signed by the original owner (yung nagsangla sa lending company)
-original OR and CR. may nakalagay na encumbered sa CR
-cancellation of mortgage issued by the lending company
-tmg clearance
-photocopies of the previous owner's ID's

ang mga tanong ko po:
-kailangan ko bang ipatatak o annotate sa registry of deeds yung cancellation of mortgage? kung oo, dapat bang dun sa registry of deeds na kung saan nakafile yung mortgage?
-ilan ID ang kailangan kong dalhin?
-dapat ko bang ipatanggal yung "encumbered" na tatak sa CR?

ayun lang pala. maraming salamat po! :D