Hello po mga Sir/Maam
Hingi lang po ako ng suggestions and opinions mula sa inyo. Supposedly dapat bibili na kami ng Vios na 1.3E A/T tomorrow, but unfortunately wala daw available units sa dealer na malapit sa amin (Pampanga). Sabi ng SA sa amin dito sa pampanga, wala daw units na available and hindi sila makapag commit kung kailan may dadating na bago stocks, sa cabanatuan naman, we were told na na hindi sila pwede magbenta sa mga taga pampanga due to territorial reasons. Ayaw din naman kasi namin bumili sa mga dealer na masyado na malayo. Medyo nakakadisappoint kasi sobra excited ka bumili at may pambili ka na tapos wala ka naman mabilhan na malapit.
As of now ang malapit na car dealers sa amin is Ford,Mitsubishi,Toyota,Honda, Hyundai and Mazda. Suggest naman po kayo ng pwede ipampalit sa Vios 1.3E M/T in terms of pagiging matipid and reliable car, and no offense po sa mga Accent people, hindi po siya kasama sa mga ideal car namin dahil sa mga nababasa namin na engine issue niya, nagtest drive na rin ang dad ko last week and bigla ba naman siya itirik nung car after kumalog ng konti yung engine, but personally cute ang accent
Hope you can share some thoughts naman po. Thank you in advance




Reply With Quote

ayaw yata nila magkapera eh? 