tanong ko lang saan ba ok bumili ng tires specs is 225 50 R17 second hand lng no money to buy brand new? saan yun blumentritt na sinasabi nila? di ksi ako gala QC lng ako eh. i need it badly or any good 2nd hand tire shop for that matter mga magkano kaya yun? THX
Yung binabanggit nilang Blumentrit malapit sa palengke sa Tomas Mapua St. Tondo side na yata ito sa pagkakaalam ko. Medyo malapit na sa Chinese Gen. Hospital.
Yung mga tire shops sa Banawe may mga 2nd hand tires din dun. Tyempuhan nga lang. Pag tumatagal sa tindahan, pinapadala nila sa Blumentrit para pakinisin at lagyan ng panibagong ukit ng grooves para magmukhang bago.
Not really, dipende mo sa makukuha nyo. Not all tires have the same wear pattern. Minsan kasi may nagbebenta ng 2 tires lang na sariwa. Matapos palitan yung 4 na gulong na puro bago. Kung isa lang naman ang kailangan, pwede na kumuha ng segunda mano at ilagay sa likod para makasigurado. Kung 2 gulong naman ang papalitan mas mabuti nang kumuha ng bago para na rin sa ikatatahimik ng utak sa pag iisip. :D Meron din nga palang mga brand new tires dun. Minsan mas mura pa sa distributor.
I've got my tires 2nd hand too, 5k each sariwa pa lahat ng 4 na gulong. Btw, the original price for my tires is around 6-7k each.
hindi po yun ang blumentrit na malapit sa chinese general hospital..yung blumentrit na maraming 2nd hand tires eh lampas ng tutuban...deretso if nasa forbes ka sa UST then kaliwa pagdating sa may tutuban papuntang LRT...then after the stoplight kumanan ka na unang kanto...dun madaming 2nd hand tires..
depende talaga sa makukuha mo ang magiging durability nito...dapat marunong kang tumingin in the first place...then marunong ka din makipag tawaran...
i only got my pajero tires na almost 70% thread na dessert dueler 1.8K each...:-)
i advice magpasama ka sa marunong tumingin else delikado baka inukit lang or may bulok na di mo pansin...
i wouldn't suggest 2nd hand tires. di ka makakasiguro kasi you don't know what they've been thru before. malay mo, linagyan nga lang ng ukit ulit yun. it's still safer to get brand new. ipon ka nalang ng konte so you can get good quality new tires
if ur near sa camp aguinaldo area, meron sa 20th ave. , halos corner santolan rd. name of shop is ABEL tire supply, maliit lang sya na shop pero laging may bumibili na magagandang cars, (benz, bmw, etc.) . inquire ka nalng muna- 4380564
If you're along Tayuman gong to J. abad Santos, T. Mapua is the second (not counting Anacleto) street from Rizal Ave.. Turn right going towards the railroad. You can't miss it.
For 2nd hand tyres: Tama si Ungas, sa Blumentritt talaga. Pagka-lagpas ng riles. Makakabili ka ng either re-tread/re-groove or re-cap. Pag re-tread/re-grove, itayo mo 'yung gulong tapos i-press mo dun sa ginta. Kapag malabot na, 'wag mo na bilhin. Masyado na manipis yan. Kung re-cap, ask mo kung sila lang ba ang nag-recap or the likes of Bando. Sa Blumentritt kasi, may capability na silang mag-recap. 'Nga lang, dehins maganda
For new tyres Ako, sa may West Ave., ako bumibili. Mura naman sya. Blumentritt din okey. Pero ingat, may stores na ipine-peg ang re-tread/re-grove tyres as new ones.