Kwento ko lng po about sa neighbor ko and pagkasira "daw" ng TV and computer nila. So kabago kabo pa lng na kabit ng subs ko powered by v12 na 1507. Subs ko is 2nd hand na Kicker CVR on a ported box, nabili ko then pinakabit ko na sa ES civic ko. So first day paguwi ko sa bahay, boom boom na entrance sa neigborhood hehe pero hindi naman nagyayabang, nakaclose naman windows ko and tinted sya. Pinasok ko na sa garage namen, then syempre ako naman na atat kinalkal kalkal yung amp, tapos level match, pinatugtog ko lng mga 10-15 mins at volume 20, reklamo na si neighbor. Naburat ako, inde ko matono ng maayos kasi mahina, nasa 13 lng volume kaya inde ko na pinatuloy.
Then comes sunday, naglilinis kami ng erpats ko ng kotse, meron kami power spray tsaka mga gamit kaya kami na naglilinis ng kotse namen. Nagpatugtog ako nung blueberry yumyum ni ludacris habang pinupunasan ko yung tsikot at volume 20 1/4 lng yung gain sa sub and seps. Gusto ko kasi malaman kung san galing yung rattle sa trunk, gus2 ko ayusin or sikipan.
Mind you ah, minsan lng ako nagpatugtog, nung nagleave lng ako nung kinabit yung subs at nung weekend na naglinis ako ng tsikot, twice lng ako nagpatugtog sa bahay since nakabit yung sound setup ko tapos eto na si neighbor nagreklamo. Ang lakas daw at daming vibrations. Well inde ko alam kung malakas tlga or nasanay na ako kagad? pero tingin ko mahina pag galing sa labas, malakas sa loob pero sa labas hindi. Anyway, sabi ni neighbor sa ermats ko nasira daw yung Computer nila nung una ako nagpatugtog, tapos nung sunday yung TV naman daw nila dahil sa vibrations! NGEK, sabi ko sa ermats ko, eh 10-15 mins lng ako nagpatugtog dahil reklamo kagad sila, eh yung TV nga natin inde nasira eh, bukas pa laptop and computer nun nung nagpapatugtog ako, gamit ng mga kapatid ko tapos ganun? anak ng..minsan lng ako nagpatugtog nakasira pa, totoo kaya yun? well cguro nga totoo kung itatapat yung tv sa subs at bukas ang trunk, pero mga 10 - 15 mins ? and inde naman direct hit ah, nakasara pa trunk... mga 5-10 meters ang distance mula sa garage namen hanggang sa bahay nila, eh meron din kami ibang kapitbahay, inde naman nagrereklamo. Ano masasabi nyo ?