mga bossing, nawalan ng tunog yung mga speakers ko sa driver side: tweeter tsaka yung nasa pinto. tinignan ko yung connection sa ampli ok naman. ano pa pwede kong icheck bago ko dalhin sa electrician? salamat!
mga bossing, nawalan ng tunog yung mga speakers ko sa driver side: tweeter tsaka yung nasa pinto. tinignan ko yung connection sa ampli ok naman. ano pa pwede kong icheck bago ko dalhin sa electrician? salamat!
1. check your balance baka may gumalaw.
2. check mo amp. start with the rca baka maluwag. switch mo left and right rca pag tumunog yun na yon.
3. Kung ok ang RCA switch mo speaker wires. Kung wala pa rin go to 4
4. Check your crossover baka doon ang problem. Not likely though.
5. Check mo wiring baka may grounded or shorted. This can kill an amp. I lost a Punch 45 because of this.
6. Check your speaker.
add ko lang po: follow step no.3 if tumunog yung sa driver side,amp yan! (positive ng left switch mo sa positive ng right vice versa on the negative part)
mga gano katagal ng tumutunog bago nawala? kung matagal ng gumagana bago nawala baka may naputol o nadisconnect lang sa wirings. kung bagong kabit lang maaring may mali sa connections..
wala na rin tunog yung mga nasa likod! waaahhh.. yung nasa passenger side na tweeter tsaka door ang may tunog. wala pako ginagawa. di ko pa napapagpalit yung mga wires. nakatornilyo kasi so tanggalin ko pa. matagal nang gumagana to. ngayon lang nagkaganito. help!
ngeeee!!! nawala na lahat!!! get your amp checked!!!
Wilson Lim of PhilSales in banaue in front of motorx near E. Rod!
712-0075
they only do repairs, so please remove the component before bringing it to the shop.
ok here's what I have done so far. pinagpalit ko yung pagkakasaksak ng speaker wires sa amp. yung left speaker wires nilagay ko sa pwesto ng right speaker wires. nagkasound na nga yung driver side speakers. yung passenger side naman ang nawalan. this means walang problema sa wires ng speakers. Amp na ang may problema di ba? O posible parin sa connection coming from the HU?
still wondering what's wrong. sana naman hindi sira amp. if ever, saan ko pwede ipatingin na malapit lang sa SM North?
HU yan. Kakabili ko lang ng HU kahapon. Sira ang RIGHT CHANNEL (ung RCA na nakalabas sa HU na pwede mo idirekta agad sa AMP). Ung tunog kasi ng saken pagpalit ng HU mas malakas ang likod, pinatono ko ngayon. Kahit anong tono ko pa ayaw sa harapan. Kung malagyan man nila ng tunog, either kanan lang o kaliwa. Then tinigilan ung pagkalikot sa AMP ko, HU naman tinignan, ayun, sira nga ung isang channel out ng HU mismo.
Kung wala na sa warranty ung HU mo, at same tayo ng problema, you may use a Y-switch RCA cable (one channel to two channel converter type RCA). Should cost you no more than 200 pesos. Gagana na yan pareho, problem lang e may onting delay bago tumunog ung either right or rear speakers. Pero tolerable naman. See if it works.