Nag-upgrade ako ng HU ko. Pinakabit ko dito sa Cavite. Pero nagulat ako nawala yung bass. Nung una kala ko baka sa timpla lang pero hindi pala. Napansin ko lang pag nakabalance yung speakers eh wala siyang bass pero pag nilagay ko sa left lang yung balance or sa right speaker lang bumabalik yung bass. Di masolve nung pinagpakabitan ko eh. Ano kaya problema nito? Thanks in advance
Sa mga nakakabasa nito who has the same problem... tama yung naka-post sa taas about polarity. This means isang speaker either left or right ay naka-reverse polarity or "out-of-phase" (meaning yung + and - leads naka-reverse ang connection with the amp / HU), but not both (in which case tutunog pa rin naman). Out-of-phase sounds on L/R channels, lalo na kasi magkatapat ang left and right speakers sa car, would cancel each other out, particularly yung sounds na naka stereo center (i.e. reproduced by both L and R channels), kaya lalong mukhang "walang bass" (normally bass is on stereo center of recordings).
Ayun po ang reason, in case nagtataka kayo. :D
Pero at least solved naman na yung problem nung nag-post ng thread.