mga sir, pano po ba malalaman kung fake o original ang isang pioneer na 6x9 speaker? ang model no. po ay ts-a6995 at ts-a6985.
meron po kasi ako nakita na pioneer 6x9 at ang mura ng benta nya, 1k yata. hindi naman siya second hand kasi bago pa yung box, styropor, nakaplastic, kumpleto sa wires kaya lang nag-alangan akong bilhin dahil iniisip ko na baka fake kasi mura nga.
hinanap ko sa internet yung model no. at lumalabas na year 2001 unang lumabas yung model. ngayon, naisip ko na baka mura binebenta kasi old model nga siya or mura siya dahil fake.
2 na lang kasi yung nandon sa tindahan kaya nanghihinayang ako kung sakaling original sya tapos hindi ko nabili.
yung tindahan nga pala e hindi talaga tindahan ng audio equipment