Hi

Yung car na nabili ko kasi nasira yung amp nya (DLS CA50 5Chn) nag leak yung mga capacitor sa loob.

By the way technically wala talaga akong alam about amps kaya nalilito ako ngayon kung anong ipapalit ko.

Dito sa cavite nag ikot ako mga car audio shop

Store# 1 sabi nya mas ok daw 2 amps V12 NA 2Chn 4k Watts para pag nasira daw yung isa hindi apektado lahat. (P 2,500 x 2)
Sample pic. http://makati.olx.com.ph/v-12-car-am...7-iid-63441232

Store#2 mas ok daw yung 1 amp V12 na 4Chn 4k Watts (new model daw)
mas ok daw yun crisp ng sound. (P 4,600)

Tapos parehas sila nag sasabi ng mga techi stuff na hindi ko naman maiintindihan . Ang isang hindi ko pa ma gets bakit hindi sila nag recommend ng 5Chn na amp na same spec nung akin dati
Mga bossing pangit po ba ang 5Chn amp?

Bali yung speakers ko nga pala (Di ko alam yung technical details)
12" Aura Sub x 1
Pioneer x 2 Speaker (yung sa likod nakalagay - stock ata nung head unit)
Tweeter x 2 (Front)
6" DLS Sub x 2 (Front) (seps ata tawag dito)
6" DLS Speakers x 2 (Front)