Mga sir, I'm so confused what should I use to maintain the paint of my new car. Ang dami kasi sobrang products ng Mothers, naguguluhan ako ano dapat bibilhin. May nakita akong 3M Liquid wax, ok na ba talaga sya for paint protection? Or should i look for a carnauba wax? Yung 3m IHG is also a polisher diba? Pasensya na, sobra kasi akong nalilito. Ang iniisip ko kasing step is 1) Wash and dry 2) Wax 3) Polish << please correct me if I'm wrong.
Ang nagiging problem ko kasi is pag magcacarwash ako and sobrang kapal na ng mga putik (out of town driving), di na kaya tanggalin ng tubig yung putik, so napipilitan ako i-wash sya using MF towel w/ big bert's car shampoo. Pero di pa rin maiwasan na magkaroon ng maliliit na scratches. I'm thinking kung may wax sya, may added coat sya na doon na lang gagasgas yung mga putik pag nag cacarwash ako, at least this way less ang scratches sa paint dba?
Kung pwede na rin, paki post yung mismong type of wax ng mother's na kakailanganin ko (iba-iba kasing klase waxes nila) or dapat ba bilhin ko lahat?
Ask ko na rin saan and anong brand name ng wax applicator ang dapat kong gamitin, or pwede na rin yung Microtex MF cloths? TIA!