Bagong salta lang po dito sa tsikot and pabasa-basa lang usually. post po ako para magtanong sa mga experiences tsikoters regarding repaint and general body repair.

1) General Body Repair - Nung na-aksidente po yung oto eh "nabungi" yung panel dun sa may front right wheel. May about 5 sq.cm. na napilas sa panel.
Also, may mga kalawang na in some parts ng body specially sa doors saka sa back hood. Mas mahal po ba sa case ng kotse ko kasi makapal yung kaha nya?

2) Repaint - As mentioned may mga kalawang na especially sa back hood saka sa doors.

Salamat po sa pagbabasa and I hope matulungan nyo ako sa pagcacanvass. If meron po kayo masuggest na shops sa las pinas/paranaque area, mas ok.

salamat po mga bossing.
Mabuhat po sa forums na ito.