ganito kasi yun...
yung fabric covering ng side panels ng oto ko, medyo natatangal na. kahapon, di ko napansin, kalahati na yung tanggal sa front passenger side ko. siguro nahihiklat yun ng anak ko pag sya nakaupo dun. tried putting it back, pero nalalaglag ulit. finally, i've decided to just pull it out leaving the vinyl cover. kaya lang yung vinyl cover eh medyo madumi, as a result of the weak glue that is used to stick the fabric cover. ang plano ko, since natatanggal na rin yun sa driver's side, tatangalin ko na lahat. kaya lang ang pangit tignan nung vinyl. mukha syang manilaw-nilaw and luma.
ano ba maganda ipanglinis dyan, para bumalik yung luster? i-DIY ko lang sa weekend. syempre, ang process nyan is to remove the leftover weak glue residues, tapos i-popolish o i-re-restore ko yung vinyl.
kung walang ganung product na ganun, may reputable shops ba na pwede kong ipagawa yun, na pwedeng intayan? ayoko kasing kalasin yung panel, leaving the power buttons bare.
thanks for your help guys!


Reply With Quote

