Hi guys!
I'm looking for a good pressure washer for 7-8k. Went to Ace kanina and saw the Nilfisk C100 and Karcher K 2.15. Meron ba naka-try na dito? Or baka meron kayong ibang recommendations.
Looking for something na magtatagal sana. Thanks!
Hi guys!
I'm looking for a good pressure washer for 7-8k. Went to Ace kanina and saw the Nilfisk C100 and Karcher K 2.15. Meron ba naka-try na dito? Or baka meron kayong ibang recommendations.
Looking for something na magtatagal sana. Thanks!
oks na yan. Yun nabili ko sa s*lit dati 4.5k (generic lang, delivered sa haus)
looks like this
* features to look (imo)
- dapat nag-e-engage/on lan yun motor pump pag trigger sa gun (tipid sa kuryente + prolong motor life)
- dapat 'dual' function sya sa source ng water, pwedeng galing faucet or higop sa timba/balde
others are yun abubot na lang nya check mo (alin yun mas marami)
hth
ang weak point ng mga ganyang pressure washers is the gun/wand. karamihan dyan plastic lang. napuputol dun sa connection ng wand extension o kaya dun sa gun mismo. at wala ka mabibiling replacement. may mabili ka man it will involve replacing the high pressure hose connection kasi yung style ng connection ng isang brand di naman gaya ng sa iba. so make sure na i-check mo yung outlet connection. karamihan hindi yan standard connection yung nasa labas. tignan mo yung sa loob kung pwede palitan ng npt connection. tapos tignan mo na dun sa shop mismo (ace, handyman, wilcon) kung may available silang alternate hose and gun. sayang lang kasi kung maputol yung gun or hose tapos wala ka naman mabili na alternative kasi di pwede palitan ang outlet. and most of the time npt lang ang mabibili mo na pipe fittings. walang mga ibang types ng fittings sa mga diy shops.
may nabili nga pala ako na high pressure gun dati sa handyman, yung chrome plated na red plastic ang handle. kaso di matibay, 2 months lang na 2x/week na gamit putol din agad. bumili ulti ako tapos binabaan ko pressure setting, putol pa din. mahina yung pipe na gamit e, parang cast lang. china kasi. so in case bibili ka ng replacement gun at chrome plated na red plastic ang handle, di matibay yun sayang lang.
Sir anung brand nun naputol... Baka kasi tumasik sa body. YUng sakin nabili Skil yung brand and importer/distributor nya is bosch philippines dealer ung handyman. 3500 lang sale sa handyman. Pero 4500 orig price.
Mukha naman matibay ung spray gun, yari ha hard plastic. Tapos nung isang beses nasira dinala ko sa handyman after a week pinalitan ng bago. Wag lang Gamitin ng sobrang hina ang tubig feeling ko dahil dun kaya nasira piston.
Yung black and decker may replacment accessories sa ace.. Yung bosch and skil by order sa handyman
Black and decker yung akin 4k ko lang nabili sa t alonzo binondo 6k ata sa ace nun. Kaya lang sobra hirap magpark. Kung direct sa faucet maganda ung karcher matibay daw pero ung black and decker ko 2 years na ok parin. Pero kung tibay hanap mo mas manganda ung may motor gamit sa car wash mahirap lang i set up
Thanks for the insights. Medyo leaning ako sa Nilfisk based dun sa good feedback na nakita ko isang car detailing forum in UK. Kaso wala syang feature na pwede humigop ng water mula sa balde, unlike dun sa karcher. Meron bang may Nilfisk dito? May mga parts ka na mabibilhan if ever. If I remember correctly, sabi nung taga-Ace yesterday na may mga readily available parts yung Karcher.
Nakakatakot nga yung spray gun na pwede maputol tapos mag-cause ng dent sa car. Yikes!
Try ko puntahan yung True Value and Handyman sa Friday para ma-expand din yung options ko.
Nakabili ka na? Got a Karcher at 50% off sa Handyman Waltermart. Meron din sa True Value Park Square kaso naubos na kakaisip ko kung bibilhin ko. From almost Php 10,000 down to a little below Php 5,000. Meron siyang pang suction ng car shampoo pero di ko pa natry so di ko sure kung nagfofoam siya. And I think I saw replacement guns also if that's a concern.
If wala na sa Waltermart, meron din sa True Value Glorietta pero 20% off lang. HTH
Yung mga nabanggit nyo ba ay kelangan direkta sa gripo?
Pwede ba yung lagay mo sa isang drum tapos dun sya hihigop nga tubig?
I'm eyeing dun sa black and decker sa ACE