nagkaron ng scratch yung sasakyan ko. anong pwede kong gawin at san pwede dalhin kotse ko to remove the scratch? minor lang sya pero parang mafefeel mong medyo malalim yung scratch e. nagulat na lang akong nakita kong may gasgas sasakyan ko, hindi ko alam kung sinong gumawa. parang horizontal line na 5 inches, coin siguro yung pinanggasgas. saan ko pwede dalhin sasakyan ko tsaka anong pwede kong ipagawa? kinakabahan kasi akong ako pa yung mag apply ng scratch remover etc kasi baka lalo ko pa mapalala. kaya kaya yun ng exterior detailing?