i'm planning to se my revo late last year pero habang merong mga nagtatanong, nasalaula ng medyo inggitero kong kapit bahay ang aking sasakyan. 2 lang ang ginawa nila:
1) nilagyan ng gasgas yung apat na pinto, di ko pa napapatingnan sa detailing shop kung kaya i-rub; and
2) nilagyan ng sunog ng cgarilyo, about 4 inches. di naman natunaw yung pintura pero nagmantsa
bwiset talaga
meron akong option na ipahilamos sya or ipa-rub (kung possible pa).
ano po ba sa tingin ninyo yung mas mabuting gawin sa ganitong sasakyan na for disposal na? saan mas di bababa yung market value?
Bad trip naman yang kapitbahay mo. Yan din ang kinakatakot ko dahil street parking ako ngayon.
Anyway, balik tayo sa iyong katanungan. Since tama si happy_gilmore baka nga tirahin nanaman after mo ipa-ayos, patingnan mo muna sa gagawa kung kaya pang rubbing or kelangan hilamos. Then kunin mo presyo. Tapos pag tinanong nung bibili, sabihin mo na lang na kung bibilhin niya, pagagawa mo dun sa shop na pinagtanungan mo. Lalo na kung one day lang ang gawa. Or sya na magpagawa pero bawas presyo dun sa estimate na nakuha mo...
kuroy, natry na namin yan dati nung nabasag yung windshield ng corolla nya. kinausap na rin namin yung chairman don pero blood is thicker than water talaga dahil halos kamag-anak nya lahat yung nakatira doon wala ring nangyari. kaya nung kotse ko naman ang nasalaula, pinabayaan ko na lang since pwede ko naman sya i-claim sa insurance and ayoko ng mapagod makipagtalo sa mga bwiset kong kapit-bahay.
buti na nga lang at lilipat na ko in 2 months time sa bahay na may carport, at leaset kahit papaano e meron akong protection sa tsikot