Last Monday, ipinaayos ko yong luma kong Mitsubishi Lancer na box type. Yon ang first car ko so me sentimental value yon sakin - 3rd owner nako ha, baka mapag basehan yan ng age ko . Mind you, ni minsan di pako itinitirik non sa daan so worth it sya i-restore. OK rin yan sa mga alanganing lugar na lakad coz di na pansinin ng mga magnanakaw.

Anyway, hihingi lang po sana ako ng mga payo nyo about the things to take note of sa pagpaparestore. Yong oldie (as my gf fondly calls it) ko po kasi, butas2 na flooring pati tagiliran sa me bandang ibaba. Kumbaga, yon ang mga obvious na defect. Na check ko na yong sa mga bandang gulong, ano pa ba yong ibang dapat ay i-make sure kong macocover?

Sensya na, mejo in tight scrutiny ako sa mga gumagawa coz 16,000 pesos lang bale contract namin. Take note, kasama na don materials like paint, galvanized sheets at pati na labor. OK naman mga gumagawa coz magalang at sumusunod sa mga ipi-no point out ko na dapat gawin. Kaya lahat po ng input will really be appreaciated.

Base sa mga nabasa ko dito, malamang yong paint ako na lang bibili - tanong ko magkano budget nila sa 16,000 for that then magdagdag na lang para maganda ang quality ng material.

Pumirma rin kami ng kasunduan para malinaw ang usapan.

Salamat, asahan ko Inputs nyo mga Sir!