
Originally Posted by
erick_214
[SIZE="3"]Elow guyz,
Tanong ko lang sana kasi napansin ko sa Toyota Hi-ace van ko(Subic-1KZ-TE engine) umabot sa 3/4 yung temperature niya so nagtaka ako kung bakit ganun. Stop over ako sa gilid at pahinga ng konti, nangyari ito nung kasikatan ng araw sa tanghali as in maiinit kakatapos lang kasi ng bagyo bago nung araw na yun...
so ginamit ko pa rin ng gabi medyo tumaas ng konti lang naman sa normal. Then after two days pinacheck ko yung van sa mekaniko gusto ko sana patanggal yung thermostat pero yung thermoswitch yung thermoswitch yung tinitidnan nila so hindi ko na tinuloy dahil parang hindi nila alam yung thermostat na papatanggal ko sana...Ngayon pag-uwe ko ng bahay check ko yung water reservoir nasa full pa naman pero nung check ko yung radiator niya parang hindi na puno so nilagyan ko ng distilled water(2liters) at prestone coolant (1liters). Bakit kaya ganun karami yung naubos ng tubig sa raidator? Naalala ko pa pala na sa reservoir niya eh more than full siya tipong kalahati ng container yung laman niya dati, tapos naubos hanggang full level.
Ngayon, bakit kaya hindi na nasipsip ng radiator yung laman ng reservoir na dapat sa dami ng nawalang tubig sa radiator eh mauubos dapat yung laman ng reservoir, yung reservoir kasi ang parati ko chinecheck kung naubos na so dahil full pa siya inisip ko na puno pa rin yung sa radiator...Buti na nga lang talaga ay na-check ko yung sa radiator na 3liters din yung naubos...Bakit kaya ganun? wala naman kasing leaks sa mga radiator hoses niya eh...
Siya nga pala, yung last time na nagdagdag ako ng tubig sa reservoir was about 5 months ago, tipong dumaan na rin yung summer heat noon so isa rin yan sa naiisip ko kung bakit naubos yung laman ng radiator...
Sana may makasagot sa inyo...
Maraming Thanks..![/SIZE]