post ko na lang din dito dahil wala pa akong time magpunta sa Ceejays until Monday next week. medyo busy lang sa work and ang daming meetings na hindi pwedeng i-resched eh.

two days ago kasi may naririning akong sumisipol na parang naghihilik na tao every time bukas yung AC ko. medyo panay sya, so i am assuming na parang may bara sa loob, nangagaling sa center vents. maski bukas yung vents o sarado, may naririnig akong tunog. wala namang kakaibang tunog if you are outside the car and if the compressor engages.

hindi naman affected yung temperature ng AC, malamig pa din. saan kaya yun?