umilaw kasi iyong warning light sa dashboard (aircon cooling system) ng Opel Astra ko (2000 model). at the same time, nawalan ng lamig ang aircon at iyong dalawang fan sa makina (engine and aircon), naka fulltime on na. hindi na nag automatic on/off. dinala ko sa casa, sabi nag safety mode na daw ang emu, kasi na detect na may problema sa cooling system, kaya naka fulltime on ang fan. kailangan daw palitan ang cooling system including the compressor sa humahagupit na presyong P108K!!!! Syempre, hindi naman ako sira para magbayad ng ganoon so pull=out ko sasakyan. Tinakot pa nga ako indirectly kasi sabi pa sa akin, marami na daw nag pull-out na ganoon pero bumabalik din kasi nagkakaproblema. Mas lumalaki pa daw ang gastos. So, dinala ko sa ibang manggagawa ng aircon at ang findings, walang problema sa cooling system. Okay daw ang compressor and walang bara.Napapalamig nga pero sandali lang.Nagti-trip ang electrical.Ang problema daw kasi, walang kuryenteng pumupunta sa compressor kasi nga nagti-trip. Ang tingin nya, sa electronics ng car ang problema and hindi nya alam kung bakit nagti-trip. Sabi pa nga sakin, kung gusto ko daw, diretso nya ang compressor sa control (i-bypass ang emu), lalamig daw iyon kaso sabi ko wag na kasi baka delikado saka hindi rin siguradong maso-solve noon iyong pag-ilaw sa dashboard ng warning and fulltime on ng fans.I called up casa again to ask kung pwedeng iyong pinaka aircon module lang muna ang palitan nila.Ang sagot sakin, hindi daw pwede kasi dapat daw mapalamig muna ang aircon bago palitan ang module and not the other way around kasi kelangan daw programming noon,etc.. So, ano ngayon ang choice/s ko? Dillema ko kasi, baka masira yung pinaka-emu kung ipapatira ko sa labas.Ano kaya mabuting gawin?