Mga sir pinapaayos ko po kasi yung car ko sa pinsan ko. kasi sya po yung medyo may mga kilalang mekaniko at meron din po syang alam sa kotse kumpara sa akin. Naayos at napalitan na daw dapat palitan sa engine ( belts, oil, plugs etc ). Ok na po yung andar. So next po na chineck yung aircon. Ok naman po kaso may naging prob. namamatay daw makina pag nabitawan yung accelerator habang nakaON yung aircon. Medyo kaninang 6pm na kasi nila natapos yung aircon kaya dun lang din nila natest. Check na lang daw nila ulit bukas. Pero ano po kaya maaring prob dun?

Salamat po ng marami sa magiging inputs nyo mga sir.

Add ko lang po pala. Hindi daw po pala umiilaw yung gauges sa dashboard. kanina lang nila nakita kasi naabutan na ng gabi eh. hindi napansin nung umaga. may kaugnayan po ba kaya?