Help naman po mga experts. Wala namang problema ang aircon ko, kaso, kahapon bigla kong naisipang mag pa cleaning kasi nadaanan ko ang isang aircon shop. Kinabukasan, nang buksan ko ang sasakyan ko, bigla kong naamoy ang baho sa loob. Nang hinanap ko kung saan nanggagaling- doon sa mga aircon vent. Pinaandar ko at after a few minutes, natanggal ang baho. Kinabukasan ganun uli ang nangyari.
Ano po kayang nangyari? Mawawala rin kaya ang amoy eventually?