Quote Originally Posted by chrizzh
mga bro advised nman kng ano ang dapat gawin sa radiator ko. Mabilis tumaas ang temp lalo na kng bukas ang ac. Galant sigma nga pala car ko, 78 model. Puede bang palitan ang belt-driven na radiator fan ng automatic na fan? thanks
bro. i drive a '78 lancer. halos ganyan din problem ko. kasi kapag umandar ang aircon, bababa and idling ng sasakyan. since belt-driven ang fan natin, baba din ang speed ng fan kapag on ng aircon. kaya nga sa manual ang suggestion is to increase idle speed by stepping on the gas. kaya kapag medyo binilisan mo ang takbo, lumalamig ang radiator mo dahil sa speed ng air intake pati na din sa takbo ng fan.

dun sa tanong mo na pwede palitan ang radiator fan, ang sagot ay oo. pwede. sinubukan ko na. pero sobra pangit! maganda lang sya kapag low speed at stuck ka sa traffic pero kapag tumakbo ka na ng a little less than 60kmh, tataas na ang temp mo up to the point aabot sa redline. lalo na sa summer na mainit ang ambient temperature, i suggest wag mo na lang gawin. believe me, ilang ulit na ako tumigil para lang palamigin ang makina. kahit gabi ganyan din magiging problema mo. kaya after using the electric radiator fan for about 6 months, tinanggal ko at binalik ko yung clutch fan. that cost me 3000 including fan, labor, thermo-switch at ilang ulit na pabalik-balik sa shop dahil laging overheat at di kaya ng fan ang init ng makina.

may solusyon kami naisip para hindi tumaas temperature namin. naglagay kami ng auxilliary fan tapos tinapat namin sa may headers. para ito sa hangin na galing sa condeser at radiator para hindi magcirculate ang hot air sa loob ng engine bay. binubuga nito pababa palabas sa engine bay ang hot air para maeliminate ang hot air na lalong magpapainit sa makina. ito nagwowork.

another solution, check mo yung shroud ng radiator mo at fan. dapat lahat ng hangin na hihigupin ng fan mo dumaan muna sa radiator para maganda ang cooling.

pero bago mo gawin ito, check mo muna kung mahigpit ba ang pagkakakabit ng belt mo sa fan. may isang topic din sa forum na ganyan ang problem nya turns out di pala mahigpit ang belt

kung gusto mo din, pa-ovehaul mo na ang radiator mo para gumanda ang flow ng tubig. sana nakatulong.