May problem aircon ng 95 corolla GLI ride ko. Bagong linis naman at puno ng freon pero mahina lumamig.
May nagsabi mahina na daw compressor, pero sa ibang shop okey pa naman daw. May nasakyan ako na corolla taxi one time grabe lamig ng aircon, sabi ng driver pinalitan daw nila ng sanden.
di ko makita kung ano brand ng aircon ko, san ba maganda magpagawa bukod sa kasa.
baka nga mahina na yung compressor.. pwede ninyo ipa-check sa sanden kaso sobrang mahal sila sumingil..
before ba ninyo ipalinis malamig po ba? o after malinis biglang humina?
baka po denso yung corolla ninyo dahil sabi ninyo eh GLI yan.. halos lahat yata ng top of the line models ng toyota eh denso gamit.. check na rin ninyo yung compressor at kung minsan nandun yung tatak..