i would like to get your expert opinion on this.

i am driving an automatic nissan serena van conversion from subic. i was driving home via nlex when suddenly after getting my toll receipt nung pag-arangkada ko biglang nag-stop yung makina then it would not start na. so dinala namin sa mekaniko at nakita nyang naputol ang timing belt. nakita ring nasira ang water pump. so nung nakabili na ko ng replacements, akala ko okay na. hindi pa pala. may nakita ulit na sira na mga turnilyo, di ko alam kung saan yun but i think sa may cylinder daw at kinailangan pang dalhin sa machine shop. so sinunod lang namin yung mga sinabi at pinabili na sa mekaniko yung kelangan palitan. it took him 11 days to finish 'repairing' the van. actually advice me rin kung tama yung mga pinagsasabi at pinag-gagawa nya pls. so i tried driving it at napansin kong mabilis maubos yung tubig sa radiator. thus, nag-o-overheat ang makina. ang gusto ko pong malaman ay kung saan kaya ang posibleng problema ng sasakyan ko -- sa radiator ba or sa water pump? sana matulungan nyo po ako dito. TIA!