since na namatayan ako ng battery "nag-puff"
ganito ang mga nangyari sa akin:
1.) napundi ang tail light ko
2.) napundi din ang signal light
3.) umiilaw ang check engine light tuwing mga 2km ~ 3km drive
4.) ngayon naman yung radiator fan di gumagana??
diba pag-start lang ng kotse, iikot na yun?
bakit ayaw? tapos nag-drive ako..then after driving i check inside the hood.
bumubula yung tubig sa radiator cap. at lumalabas yung mga tubig.
You have not mentioned the make of your car. However, if it is a late model, the program on your computer box might have been affected thus causing some electrical problems on your car like your lights and other indicators. Normally, the radiator fan automatically turns on when the circulating water / engine reaches a certain temperature setting. Kung hindi gumagana yan, the water in your engine cooling system boils thus meron kang nakikita na bumubula when you open the radiator cap.
Have your ride checked ASAP otherwise you'll have bigger problems later on.
mine is 96 honda civic (sakit sa ulo itong kotse na ito)
di po nag-indicate yung temperature gauge ko na nag-overheat siya. yun po kinakatakutan ko pag-uwi mamaya. dati kasi pag-on ko yung kotse alam ko umiikot yun eh. pero ngayon napansin ko di gumagana.
kaya plano ko umuwi sa work mamyang gabi para medyo malamig.
Bro, kung pauwi ka na, tyempuhan mo na light na ang traffic at bago ka umalis, make sure na puno ang radiator mo. Better din na wag ka muna mag-aircon tutal 3-4 kms lang naman ang tatakbuhin mo. Go easy on the gas.
ganyan talaga , hindi iikot kaagad rad fan pag star ng makina, hintay pa nito muna naginit ang makina bago umikot at pag sandali lang ito ikot wala pa 5 mins palay na uli, tapos hinta uli nito uminit. ganoon obsarvation ko.
ganito para malaman mo kung gumagana fan mo, buksan mo engine hood, paandarin mo makina tapos antay mo mag half yung temp gauge mo, dapat pagdating nya sa half level sa gauge mo mag o automatic ang andar ng fan mo. kung hindi ka naman makaantay try mo i on ang aircon ng kotse, dapat pag on ng aircon aandar agad yang dalawang fan mo.
ngayon kapag hindi umandar ang fan baka ubos na ang carbon brush or busted ang fuse or may problema sa wiring.
kwento ko po ung nangyari kagabi. bago ako umalis sa work.
1.) start yung sasakyan.
2.) check ko yung hood. "aba, di pa din umiikot"
3.) konting panalangin.."sana wag tumirik"
4.) off ko yung aircon at radio.
5.) dahan dahan lang ang takbo hanggan makauwi sa bahay.
6.) eh yung parking ng bahay namin is paakyat.
7.) paakyat akong patalikod.
8.) pagdating ko ng garahe. umusok yung harapan ko. pero konting usok lang.
9.) yung gauge ko umakyat sa red indicator. "H"
10.) nag-overheat.
11.) patay ko makina. hintay ng konti bago bukas ng hood. baka kasi mapaso ako eh.
12.) check ko yung mga fuse "cooling fan". ("radiator fan" at cooling fan is same term?)13.) ok naman yung fuse ng "cooling fan", kaya lang may cooling fan relay, di ko ma check kung ok pa yung relay.
14.) check ko yung saksakan ng radiator wiring. yung parang socket niya. medyo maluwag. sinuksok kong mabuti.
15.) naubos yung tubig ko sa radiator. pero yung reservoir may laman pa. nilagyan ko ng tap water. mga isang tabo. napuno na siya.
16.) pinaandar ko uli. yung gauge reading niya nasa gitna.
17.) revolution ako...matagal.
18.) umaandar uli yung radiator. hinayaan ko lang. naka idle yung sasakyan.
19.) namatay uli...maya maya mga 5 minutes...umandar uli.
naisip ko baka maluwag lang yung socket niya. kaya di gumana.
20.) so ok na, nakatulog ako ng mahimbing. sabi ko obserbahan ko na lang pag-pasok ko sa work.
umaga na, papasok na ako.
21.) start sasakyan, ok naman. pero ganun pa din di muna gumana ang radiator fan.
22.) takbo ako with aircon on and radio on.
23.) mga 2kms...hinto ako sa tabi..idle mode yung car...
24.) check ko hood. di andar yung radiator. (inisip ko baka may sensor ito.)
25.) go uli yung sasakyan..hanggan sa work ko.
26.) check yung radiator fan..di pa din umandar.
27.) pero yung gauge reading normal.
may sensor ba talaga ito? yun ba ng purpose ng relay? paano ko malalaman kung nag-fufunction yung sensor habang nag-drive ako?
*betz
2 fan niya eh. isa sa radiator at isa sa aircon.
pag switch on ko yung aircon. yung aircon fan lang ang gagana. pero test namin kagabi yung radiator . umiikot naman. baka mag-kaibang sensor ang aircon at radiator.
kaya di sila sabay umikot.
yup, plano ko pa rin pa check. pero sa katapusan na lang. ala pa sahod eh.
pero sa mga car experience ninyo. may mga relay ba siya or sensor na nag-tritrigger kapag maiinit na? O pag-start ng car ninyo andar din ang radiator fan?
kasi sabi ng ibang kakikalala ko. yung radiator fan daw ay nakakabit sa shaft at may belt. kaya pag andar makina andar din siya.
eh yung sa kin wala eh. nag-papaandar sa kanya yung electricity eh.
pare, next time when the radiator runs out of water, before you put water in it start the car first, it not advisable to put water when the engine is not running, it may damage the heads.
also if before you shut off the engine as you mentioned you were in your house, you could have cooled down the radiator by pouring water outside the radiator, just make sure that the engine wont get wet, to lower the engine temperature first before shutting it off. shutting it off will mean hotter engine since no more cooling effect of the water, which can also lead to blown head gaskets.
but since tapos na lahat, pa chek mo na lang muna car mo.