New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 18 of 18
  1. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #1
    tsikot peeps,

    td 27 ang engine ng pinoy wrangler ko and up and running na. Ginamit ko iyong built in na compressor niya inabot din ako ng 9.5K doon pero mahina pa rin ang lamig.

    Binalik ko sa gumawa ang sabi sakin palitan ko raw ng mas malaki ang compressor at quote nya ko ng 21K.

    nawalan na ko ng oras para mag pa second opinion sa ibang aircon tech eh ano sa lagay nyo?

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Minsan wala sa compressor. Baka nasa size at location ng condenser.

    Nasaan ba yung condenser? Ito yung parang radiator ng aircon sa engine bay. Baka exposed sa init or walang sariling fan kaya hirap sa heat exchange. Ganun nangyari sa Pajero ko dati. Tumirik ang condenser fan. Kaya walang air flow sa condenser.

    Ang mahal ata ng 21K na compressor...Yung surplus na compressor ng Pajero nasa Php 4,900.00 kasama na lahat (parts, labor, materials).

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #3
    nwalan kasi ng lugar sa loob sana ng engine bay malapit dapat ilalagay ang condenser, kako doon sa technician eh diskartehan na lang nya at umalis akot sinundo ko anak ko sa school ng binalikan ko eh nasa ilalim na ng wrangler ko sa may driver side pa. at doon nya welding. okey ba yon?

    size ng condenser eh tingin ko 14 inches by 12 ata medyo malaki rin eh. not sure exact size.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #4
    Baka saturated siya ng init from the engine...

    Kasi ang engine heat sa ilalim dumadaan palabas ng sasakyan. Kung puro hot air ang sagap niyan, hindi niya kakayanin magpalamig lalo na kung naka-hinto ang sasakyan at walang airflow.

    Wala atang OEM manufacturer na naglalagay ng condenser BEHIND the engine (airflow-wise).

    Yung sa mga VW Beetle pwede sa ilalim kasi nasa likod ang makina.

    Subukan mo muna lagyan ng cooling fan. Baka makuha pa.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #5
    sige try ko rin iyon. thanks otep

    namamahalan din ako sa 21K eh, kya pinending ko na di ko tuloy maisakay doon ang anak ko lalo na sa tanghali.

    isa pang tanong medyo OT. auto engage ba ang turbo ng Terrano TD 27? Di ko pa kasi nabe break maigi iyon eh.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #6
    sa OT: ang mga turbo ay pinapatakbo ng exhaust gas pressure. Basta may sufficient exhaust pressure, gumagana iyan.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #7
    thanks again otep.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #8
    subukan mong itapat ang electric fan dun sa condenser mo, tapos tingnan mo yung lamig sa loob kung nag improve. gawin mo pala yan kapag malamig pa ang engine mo tapos tanghaling tapat, bale hwag mong gamitin ng umaga yung sasakyan.
    Signature

  9. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #9
    naalala ko bago iyong condenser ko eh pero bale me nakakabit na syang fan doon.

    pero iyong fan eh okupado lang ang half of the condenser. Do you think kung palalagyan ko pa ng isang fan eh ookey sya.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #10
    yung evaporator mo ba bago rin?
    Signature

  11. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #11
    di sya bago pero sabi ng technician pede pa raw.

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    21,433
    #12
    try mong basain ng tubig yung condenser mo, check mo kung lumamig.
    Signature

  13. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #13
    okey will do that thanks.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #14
    Pahabol, kaya malakas ang lamig ng nissan calsonic (like the frontier with the TD27 engine)....the condenser is very large (parang 24"x14") at manipis....so madaling palamigin.

    Kung nasa harap sana eto, the power of the fan and the radiator fan will produce enough air movement to cool it. Since nasa ilalim, baka hirap ang fan lang (lalo na't half lang kamo ang covered).

    Another thing would be the evaporator design (I suppose malinis pa rin yan)...kailang hindi constricted ang air movement going from the blower.

    The air blower should also be strong enough to make the air movement (new designs ng aircon blower mas okay kaysa dun sa mga luma- 70's style).

    Ang stock compressor ng TD27 is the big series na kasi wala naman TD27 na sinalpak sa maliit na sasakyan...IMO it should be more than enough. Comment din ng aircon tech na suki ko nun nakita niya ung sa frontier..."kaya na nito na maglagay ng isa pang aircon set-up sa likod (camper) ng pick-up, but you'll need additional condenser and evaporator set-up"....so no need to upgrade the compressor.

  15. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,203
    #15
    para sakin wala sa compressor
    kung malapit ka lang sana sa pampanga
    sasamahan kita sa aircon technician ko.

  16. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,202
    #16
    wildthing, wala na kasi space sa harap eh, oonga okey sana malapit sa radiator, kya napilitan ang Aircon Tech na sa ilalim ilagay. thanks for the info, im seriously considering another compressor sana now I know. Manipis din iyong condenser, binasa kanina ng erpat ko at ayon sa kanya medyo lumakas ang lamig.

    Olivedrab,
    Thanks sa offer, im presently overseas eh but will be back last week of March, will try visit the place that you mentioned in another thread kimpoy already posted how to get there.


    OT uli:
    edited..... binura ko na sorry
    Last edited by qman; March 13th, 2004 at 02:11 PM.

  17. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    954
    #17
    Originally posted by qman

    OT uli:
    Meron akong friend dito na Manager ng isang Hotel taga Pampanga sya noong umuwi sya last December inaaya nya ko sa isang sikretong lugar malapit sa kanila at on the spot na katayan. Takot lang ako kya di ko tumuloy pero sabi nya lahat ng benta roon puro 1999-new model na mga SUV at konti lang kotse.
    WOW WOW WOW saan kaya to........hmm DC pampanga chapter...dapat makilatis to hehe :D

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,790
    #18
    mahirap yan baka hot-car chop-chop yan....

TD 27 Aircon