Salamat Speedyfix sa reply.

Share ko lang ang outcome. Pina-repair ko ang radiator support sa isang shop sa 20th Av cubao (Calvin's Auto ekek). Dahil sa sobrang pagtitipid ko (P1,300 ang singil sa akin. Sa iba 2k+ to 3k+), mukhang mapapamahal ako eventually. Sobrang sagwa ng pagkakagawa. Gawang laterong-kanto. As in halatang halata na pinukpok lang ng maritlyo para magka-porma. Puro bukol-bukol ang replaced portion. Tapos pininturahan ng itim na ordinaryong pintura. Napansin ko din ang mga tirang metal sheet na ginamit. Recycled na sheet na mukhang galing sa bubong ng bahay.

Lesson Learned: Pumunta lang sa reputable shops at humingi ng sample work. Kung questionable ang itsura ng output, walk away.

Ang plan ko is ipa-putol ang entire replaced portion and then ipa-fabricate sa Machine Shop/Metal shop. After that, ipa-weld na lang ulit. Ako na ang mag-finish.