New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 19 of 19
  1. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    31
    #1
    tanong ko lang po, kung magkano ba usually magpalit ng evaporator para sa civic, nasira na kasi ung sakin so kelangan na daw palitan (may singaw na e) yung unang shop na pinuntahan ko 5,500 ang singil nagtanong ako sa isa pang shop 5,500 din daw orig naman yung evaporator di ko lang alam kung bnew o surplus lang. Yung refabricated mas mura pero ewan ko lang kung reliable un. Need advice lang po at suggestions kasi 1st time ko magpalit ng evaporator thanks.

  2. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    1,064
    #2
    May mga nagsasabi na mas Ok daw yung JDM na evapotor at mas malamig kesa sa OEM. mga 1.5 - 2k yata ang bilihan pwera pa ang labor.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #3
    Ang labor and materials (refrigerant, oil, etc.) for a single aircon system (e.g. Civic) is around Php800 kina Mang Mario. Brand new, replacement evap used to be in the Php3k ballpark. Though based sa mga sinasabi sa Honda Forums, mukhang madaming satisfied sa JDM evaporators na surplus.

    Dun sa isang talyer na malakas tumaga sa Caloocan, yung Php800, compressor oil pa lang. HAYOP!

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  4. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    31
    #4
    thank you po sa mga reply. Grabe taga pala yung 5.5k. San po ba maganda bumili ng JDM evap, evangelista or banawe talaga? Tagal ko na nga naririnig yang si mang Mario dito sa mga forums kaso ang layo lang, sa SM north pa, taga south kasi ako sa Susana Heights Muntinlupa pa. Wala kasi ako alam na matino at fair na paayusan ng aircon dito sa south. Thanks again.

  5. Join Date
    Sep 2004
    Posts
    2,975
    #5
    Try to visit the hondaclub forums. May forumer dun, (forgot the name though), nagbebenta ng JDM evap Tapos pakabit/pa-convert mo na lang kay Mang Mario, kasi RHD yun. Marami ngang nagsasabing very satisfied sila (mas malamig daw)

  6. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #6
    Quote Originally Posted by tontonpacute View Post
    thank you po sa mga reply. Grabe taga pala yung 5.5k. San po ba maganda bumili ng JDM evap, evangelista or banawe talaga? Tagal ko na nga naririnig yang si mang Mario dito sa mga forums kaso ang layo lang, sa SM north pa, taga south kasi ako sa Susana Heights Muntinlupa pa. Wala kasi ako alam na matino at fair na paayusan ng aircon dito sa south. Thanks again.
    you can also try ceejay's aircon shop along alabang-zapote road (near uniwide). they did a good job w/ my civic's aircon last year.
    recommended din siya ng mga tiga south dito sa tsikot. search mo na lang contact numbers niya dito

  7. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    750
    #7
    malamig talga jdm evap - nakasakay nako sa naka jdm evap. same number of rows daw and local nissan at jdm

  8. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #8
    bro this might help you. heres a jdm evap for sale i saw over at hcp. check this link out:http://z3.invisionfree.com/HCP/index...howtopic=15431

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #9
    Kung south area ka, may mga recommended shops din dito [like the one previously posted]. All around the Philippines [and the world] naman merong Tsikoteer.

    Nakakaintriga iyang JDM evap na iyan. hehehe. Kaso puro ata pang-Honda.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    4,388
    #10
    waaaahhh!!! kakapalit lang namin ng evaporator!!! hindi kasi nagsabi sa akin erpat kaya ayon napagastos ng 6k. sana nag jdm evaporator na lang din kami.

  11. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #11
    heto isa pang link na nagbebenta ng jdm evap. may pix and diagram kasama na:http://z3.invisionfree.com/HCP/index...pic=19500&st=0

  12. Join Date
    Feb 2007
    Posts
    31
    #12
    Maraming salamat sa mga reply nyo mga sir, napakalaking tulong. Nakausap ko na yung nagbebenta ng JDM evap sa HCP forums 1.8k lang tas babayaran mo na lang yung magcoconvert at maglilinis at kabit. Its definitely a lot cheaper than 5-6k. Problema na lang san makakahanap ng maruonng magconvert. Ma try nga dun sa ceejays, yung uniwide ba yung mall after ng BF resort kung galing kang alabang?

  13. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #13
    Quote Originally Posted by tontonpacute View Post
    Maraming salamat sa mga reply nyo mga sir, napakalaking tulong. Nakausap ko na yung nagbebenta ng JDM evap sa HCP forums 1.8k lang tas babayaran mo na lang yung magcoconvert at maglilinis at kabit. Its definitely a lot cheaper than 5-6k. Problema na lang san makakahanap ng maruonng magconvert. Ma try nga dun sa ceejays, yung uniwide ba yung mall after ng BF resort kung galing kang alabang?
    tama ka sa location ng uniwide kapatid. lampasan mo lang ng konti, nasa bandang kaliwa ang ceejay's. balitaan mo na lang kami sa progress ng repair mo

    goodluck!

  14. Join Date
    Dec 2006
    Posts
    20
    #14
    mga sirs tanong ko lang po, kung JDM po ung makukuhang evaporator, ok lang po ba na japan surplus na rin ung compressor? malamig na rin po ba kaya un?

  15. Join Date
    Feb 2006
    Posts
    20
    #15
    Quote Originally Posted by tontonpacute View Post
    thank you po sa mga reply. Grabe taga pala yung 5.5k. San po ba maganda bumili ng JDM evap, evangelista or banawe talaga? Tagal ko na nga naririnig yang si mang Mario dito sa mga forums kaso ang layo lang, sa SM north pa, taga south kasi ako sa Susana Heights Muntinlupa pa. Wala kasi ako alam na matino at fair na paayusan ng aircon dito sa south. Thanks again.

    Sa honda forum nga po may benta na JDM evap kasama expansion valve try sellling hanapin mo is "Estri" then pagawa kay Mang Mario, mas madami kasi cooling coil yung JDM compared sa oem for Honda .

  16. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    750
    #16
    Local (right) and JDM (left) evap

  17. Join Date
    Mar 2006
    Posts
    19,003
    #17
    ano na kayong balita dito? wala bang updates?

  18. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #18
    sabi daw ni mang mario...kaya mas malamig yung jdm compare sa stock evap ng honda civic ay halos 2.5times ang rows ng jdm evap compare to stock kaya madaling lumamig.

  19. Join Date
    Nov 2008
    Posts
    18
    #19
    my contact po kayo ng nagbebenta ng JDM evaporator?

evaporator for civic