New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 10
  1. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    26
    #1
    Saan ba maganda palinis ng aircon? 3 1/2 years na kasi ito di pa nakakatikim ng linis...

    mga magkano kaya? hirap daw kasi linisin nitong revo...tanggalin daw yung dash board...tapos yung overhead pa...

    yung isang frien ko kasi nagpalinis...eh manloloko numero uno yata yung shop na yun...kung anu-ano ang pinagpapalitan...tapos lalo lang nasira....

    sina sir chieffy ba naglilinis nito?

    thanks.

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #2
    Kung wala namang problema, huwag mo na ipagalaw. Some systems can go more than 7 years without opening. Hintaying mo na lang masira.

    Tinkering with it now might just open a can of worms.

    Tanggal dashboard nga iyan. Kasi hindi naman designed for periodic servicing yung a/c evaporator. Mga pinoy lang mahilig sa ganyan. Sa Middle East nga mas mainit pa pero wala namang 'cleaning' ek ek din.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  3. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    67
    #3
    Actually it depends kung gaano mo kadalas gamitin ang A/C. especially if you always use the fresh air vent, dudumi nga kaagad ang evaporator, lalo na sa metro manial na puro smoke pollution.

  4. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    11
    #4
    i think tama si OTEP, i recently had problems with my car a/c, may nakasabay ako sa isang a/c repair shop sa tabi-tabi (nung nagca-canvass pa lang ako) magpapalinis lang he ended up replacing almost everything and shelling out around 5K!!!

    so i slowly moved out of that place and went to the next a/c repair shop... hehe... then again, baka nga kasi dahil sa tabi-tabi lang to...

  5. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    1,829
    #5
    tama si boss OTEP.
    yung sa akin, simula nang linisin ang A/C ng car ko, nagkaloko-loko na hanggang sa nagpalit na ako ng compressor atbp.
    napabili ako ng bago dito sa CATS-Sanden ng bagong unit ng A/C.
    cost me P21thou last year.

    tama ang kasabihang, "don't fix, if aint broke!"

  6. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    25,189
    #6
    I have a nissan sentra grandeur that is less than two years old, still under warranty. The evaporator was leaking already because it was full of dirt. Manipis lang ang ginamit na aluminum tubing kayat kinalawang at na butas agad. Buti under warranty, kung hinde 18T ang gagastusin sa casa. Common yata problem sa mga Nissan.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #7
    Monseratto::: Di lang po Nissan, karamihan ng mga bagong sasakyan maniniping na po ang aluminum tubes. cost cutting ika nga. :D

  8. Join Date
    Jul 2003
    Posts
    26
    #8
    Kaya nga ba tinanong ko muna dito eh...salamat sa mga reply...

    actually ok pa naman eh...wala naman akong nakikita o nararamdamang problems...buti na lang...

    salamas!!!

  9. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,942
    #9
    Mr_Revo::: Buti po naisipan nyong itanong muna. Mas malaki ang natipid nyo. :D

    Last summer di ko naisipan magtanong sa mga tsikoteers, pinalinis ko aircon ko. Anticipation ika nga... ayun umabot ng 11K. 3K muna palinis and freon. Pagkatapos ng isang linggo, tumagas ang freon nabutas ang cooling coils (evaporator). Dumi na lang pala ang pumipigil sa mga butas. Additional 8K pa.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    98
    #10
    and sometimes kasi pag-pinalinis mo yung evaporator pagbalik hindi na lapat or yung valve lumuwag na, so kadalasan yung dating walang leak na evaporator nagkakaroon na ng leak.

Palinis ng aircon