galing ako kay mang mario kahapon for backjob. malayo kami kanila mang mar kaya di na sana ko babalik kaya lang nung nagpaestimate ako sa denso sa may pasong tamo 9,100 diagnostic and palit ng kung ano ano. considering na di pa nila nakikita kung ano sira. grabe talaga sila.

2weeks ago kasi pinacheck ko ac ko kay mang mar nawala kasi lamig. so diagnosis nila yung evporator may butas na so palit ng bago pero replacement lang. it cost me 2500 lang - labor, parts, freon. after 2weeks nawala nanaman yung lamig. check yung hose and linings wala naman singawn. then nung check yung condenser may singaw pala kasi natamaan ng busina sa harapan. ayun hinang lang ang katapat at back to normal na ac ko. for only 600 pesos

dapat lang talaga siguro tutukan mo yung pag gawa at orient mo yung gagawa mabuti sa mga naging experience mo para ma pinpoint yung sira.

730am palang 3 na agad yung naghihintay kahapon. Sabi nga ni mang Mar nung monday daw pag gising nya 8-10 customers na daw yung naghihintay kaya parang gusto nya nalang daw ulit matulog.. hahaha